Net satisfaction rating ni DU30 bumaba sa ‘good’ mula sa ‘very good’-SWS | Bandera

Net satisfaction rating ni DU30 bumaba sa ‘good’ mula sa ‘very good’-SWS

- October 08, 2017 - 06:43 PM

Social Weather Stations

BUMABA ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa ikatlong bahagi ng taon sa “good” mula sa “very good rating noong Hunyo,” ayon sa  Social Weather Stations (SWS).

Base sa third quarter survey na isinagawa mula Set. 23 hanggang 27, 2017,  67 porsiyento ng mga Pinoy ang nasisiyahan sa pamumuno ni  Duterte, samantalang 19 porsiyento ang hindi nasisiyahan, at 14 porsiyento naman ang hindi makapagdesisyon. Ito’y mas mababa ng 18 porsiyento kumpara sa 66 porsiyento  noong Hunyo. Bumababa rin ang net trust kay Duterte, ayon pa sa SWS. Base sa survey noong Setyembre, 73 porsiyento ng mga Pinoy ang nagpahayag ng “much trust,” kay Duterte, samantalang 12 porsiyento ang nagpahayag ng “little trust” at  15 porsiyento naman ang “undecided.” Nangangahulugan ito ng 60 porsiyentong net trust rating (ver good) para kay Duterte, mas mababa ng 15 porsiyento kumpara sa 75 porsiyentong (excellent) net trust noong Hunyo. Bumaba rin ng 30 porsiyento ang net satisfaction rating ni Duterte sa Visayas, 22 porsiyento sa Balance Luzon, at 19 porsiyento sa Metro Manila,bagamat hindi naman nagbago sa Mindanao. Isinagawa ang survey sa 1,500 respondents sa buong bansa, 600 sa Balance Luzon,  at tig-300  sa Metro Manila, Visayas, at Mindanao.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending