Ai Ai ‘nasaktan’ sa Star Cinema; may ibinunyag kung bakit umalis sa ABS-CBN
KASALUKUYANG nasa Pilipinas ang nag-iisang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas dahil dumalo siya sa pagtatapos ng kanyang bunsong anak na si Seth Andrei sa elementarya.
Sinamantala naman ito ni Julius Babao, content creator at isa sa host ng Frontline Pilipinas sa TV5 na makapanayam si Ai Ai para sa “Unplugged” YouTube channel niya.
Naging viral kamakailan ang rant ng comedy concert queen tungkol sa Star Cinema, ang movie outfit na nagpasikat sa kanya ng husto, dahil sa pelikulang “Tanging Ina” series na na umabot sa apat — Ang Tanging Ina, 2003; Ang Tanging Ina N’yong Lahat, 2008; Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To), 2010; at ang crossover na Enteng ng Ina Mo noong 2011.
Base sa viral video ng komedyana, nairita siya kung bakit pina-down o pinaalis ang sinabi niyang may nakausap siyang taga-Star Cinema para tanungin kung magkano ang magagastos in case gagawin niya ang “Tanging Ina: The Reunion” at kung sino ang possible director.
Kaya gustong gawin ng komedyana ang “The Reunion” ay dahil napanood niya sina Xyriel Manabat na dalaga na ngayon at si Jiro Manio na gusto nang magkaroon ulit ng pelikula.
Baka Bet Mo: Ai Ai sa isyu ng Star Cinema at ‘Tanging Ina Mo’: Minamaliit n’yo ‘ko?
Tanong ni Julius, “Napanood ko ‘yung vlog mo na may binubuhos kang sentimyento about a Tanging Ina reunion (sabay pakita sa video na nagsasalita si Ai Ai). Ano bang kuwento nito bakit nagkaganun?”
Sagot ng aktres, “Nag-usap kami ni Roxy (Liquigan – executive ng Star Music), siguro ‘yun nga ang mali ko, tinext ko si Roxy kinongrats ko siya (ang alam taga Star Cinema) pero ngayon kung tagasaan na siya.
“Tapos ang alam ko ang head ngayon (Star Cinema) ay si Kriz Gazmen (pumalit kay direk Olive Lamasan) pero kasi ang close ko ro’n ay si Roxy.”
“So sa kanya ay maluwag ang loob ko na magtanong na kunwari gawin natin ‘yung ‘Tanging Ina: The Reunion,’ sa tingin mo ba okay pa o luma na o gawa tayo ng bago, ano ‘yung opinion niya kaya nasabi ko na nakipag-usap ako sa Star Cinema.
“Tapos may nagtext sa akin na gusto nilang ipa-down ‘yung news na nakipag-usap ako sa Star Cinema na dine-deny nila na nakipag-usap ako. Kaya na-hurt ako na dine-deny nilang nakipag-usap ako, e, nakipag usap naman talaga ako kay Roxy nga lang,” chika niya.
Ani pa ni Ai Ai, “Dapat ba kay Kriz Gazmen ako makipag-usap ganu’n ba ‘yun? Kaya gusto na nilang i-take down ‘yung news.”
Labis daw talagang nasaktan ang komedyana kaya nasambit niya na “pinagkakitaan n’yo (Star Cinema) rin naman ako (dahil nga kumite ang Tanging Ina film series).”
At kaya may bubog na naramdaman si Ai Ai habang nagsasalita sa video dahil hindi siya ni-renew ng ABS-CBN 9 years ago kaya siya lumipat sa GMA 7 noong 2015.
“Akala kasi nila umalis lang ako, ang totoo hindi ako ni-renew!” diin ni Ai Ai.
Dagdag pa niya, “Tapos pinatawag nila ako na ako ang pinagbibintangan na (kaya flop) ang isang pelikula ay dahil nag-dyowa siya ng mas bata, ano naman ang kinalaman no’n saka hindi ko naman solo ‘yung pelikula, ilan kami ro’n.
Isa pang ikinasama ng loob ni Ai Ai ay binura niya ang Instagram account na may almost 500 thousands followers para matapos na ang isyu kung saan siya nag-post.
“Para ma-lessen na o hindi ako (i-bash) pero tumawag sila kay Boy (Abunda-manager ni Ai Ai) at sinabi nilang hindi na ako ire-renew. Naramdaman ko ulit ang pain (hindi na-renew) 9 years ago,” katwiran ni Ai Ai kay Julius.
Ang Star Cinema raw ang may-ari ng Tanging Ina series kaya siya nagtanong dahil nga sila ang mas nakakaalam.
Sa kasalukuyan ay almost 500 thounsand views na ang panayam na ito ni Ai Ai sa “Unplugged” YT ni Julius.
Bukas naman ang BANDERA sa panig ng Star Cinema tungkol sa reklamo ni Ai Ai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.