Joey hiyang-hiya sa nagawang kasalanan, nag-sorry din kay Maine
NAG-SORRY na si Joey de Leon sa lahat ng mga nasaktan at na-offend sa naging comment niya tungkol sa depression.
Ito’y matapos ngang kuyugin ng mga galit na galit na netizens ang TV host-comedian nang sabihin niyang “gawa-gawa lang” ng tao ang depresyon.
Matapang namang sinalungat ni Maine Mendoza ang pahayag ni Joey. Sabi ng Phenomenal Star seryosong sakit daw ito lalo na sa mga kabataan kaya hindi dapat gawing joke.
Narito ang ilang bahagi ng statement ni Joey sa Eat Bulaga: “Nagkamali po ako. So, kahapon po, ‘yung tungkol sa depression na nabanggit ni Maine, e, pinagalitan ako ng misis ko, si Eileen. Pag-uwi ko po, pinagalitan ako, ipinaliwanag niya.
“Pati ang mga anak namin sinabi, ‘Daddy, hindi stress ‘yan at depression.’ Sabi ko, ‘Hindi, ‘yun ang alam ko, e. ‘Yung iba, kapag nawalan lang ng boyfriend, nade-depress na.’
“Lalo akong nahiya sa sarili ko nang banggitin ni Eileen na may mga malalapit kaming mga mahal sa buhay na nagdurusa sa ganu’ng kalagayan. So, ako’y humihingi po ng paumanhin sa mga napaitan sa mga nabanggit ko, at humihingi ng inyong unawa.”
Dagdag pa ng TV host, “Kagabi, tinawagan ko si Maine. Nag-sorry ako kay Maine agad dahil siya ‘yung nagbanggit nu’n sa usapan naming tatlo tungkol sa depression. Medyo nakaluwag ‘yung paghinga ko.
“Medyo hirap na akong matulog hanggang di umaabot itong pagkakataon na ‘to.”
Maraming umalipusta kay Joey pero meron din namang kumampi at umintindi sa kanya. Isa na rito si Bela Padilla. Pinagbintangan ang aktres na kumampi kay Joey pero itinanggi niya ‘yon sa tweets at replies niya sa netizens.
“And no, it isn’t true that depression is real. And I was deeply hurt by that statement like the rest of you because I have seen people go through and I, myself go through bouts of it. But that doesn’t make it right for us to shame people.
“That was my point from the start. So if you’re not a ’shamer’ then we don’t need to talk. Hurting someone who hurt you doesn’t make you right, t makes you and your oppressor the same kind of person.”
q q q
Umapela naman ang Eat Bulaga Dabarkads na si Ryan Agoncillo na maging mahinahon sa pagbibigay ng reaksyon sa nasabing isyu.
“What happened yesterday was a mistake and everyone admits it. Ang problema, hindi du’n sa maiingay. They are the quiet ones who are affected.
“As you react today, from this point on, as we react, let’s be honest, sana hindi sa galit manggaling ang reaksiyon niyo, sana sa pagmamahal. Yung nangyari, may dahilan.”
“So, to the quiet ones out there, nandito ang mga Dabarkads para sa inyo, lagi ‘yan. Minsan, hindi po namin kayo kailangang sumigaw sa inyong pagmamahal sa amin.
“Ang kailangan namin minsan, upo kayo sa tabi namin at makinig tayo sa ihip ng hangin, Dabarkads,” pahayag pa ni Ryan.
Ito naman ang naging pahayag ng anak ni Joey na si Jocas sa pamamagitan ng Instagram: “We all experience life differently and life forms us all differently, resulting in differing viewpoints and belief systems. The important thing, however, is to respect one another and to try to cultivate a positive understanding of one another which would hopefully lead to a productive discussion of the issues at hand.
“But in the face of these differences, we hear each other more loudly and see each other more clearly if each one of us comes from a place of kindness, gentle tolerance and sincerity.
“And to my dad @angpoetnyo — I hear you… I understand you because I KNOW YOU but above all, I LOVE YOU… sooooo freaking much!! I will always, always, always be here for you.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.