Mabangong pangalan nina Kathryn at Daniel ‘pinababaho’ ng bastos na fans
KUMBAGA sa libro, foreword muna ito to our subject tungkol sa ilang KathNiel fans (we repeat, hindi lahat) who seem to have crossed the line beyond their allegiance to Kathryn Bernardo and Daniel Padilla.
This column does not make any slight attempt at apologizing for its content, buh-kit?! Manapa, sila ang dapat maghunos-dili for their misdemeanor they ought to mend.
Maging ang mismong ina ni Daniel na si Karla Estrada hasn’t escaped bashings ng ilan sa mga tagahanga ng KathNiel sa social media over a terribly flimsy reason sa pagtatanggol nito kay Angel Locsin na kasama ng bagets loveteam sa gabi-gabing teleserye.
Popular belief has it na ang tambalang KathNiel ang dahilan ng pagkalaos ng AlDub. The latter’s unfortunate fate ay bunga na rin ng ilang (we repeat, hindi rin lahat) AlDub fans whose time is uselessly and unproductively spent on waging senseless fights against the netizens whose opinions do not concur with theirs.
Walang iniwan ang ilang butangerang KathNiel fans from the AlDub supporters who are now to blame kung bakit ang kasikatan ng nasabing tambalan has walked into the darkness, at ngayo’y isa nang kasaysayan.
Sayang sina Kathryn at Daniel, neither of them pa naman possesses most of Maine Mendoza’s reportedly undesirable traits. Magagalang na bata, masunuring mga anak, kapwa professional sa trabaho, ideal role models worthy of emulation.
Pero dahil sa ilan nilang mga tagasuporta, such misbehavior is eroding their good image. Like Maine who has miserably failed in admonishing the AlDub fans to get their act together, kapwa may pananagutan sina Kathryn at Daniel na disiplinahin ang kanilang mga fans.
Karla, na ina lang ng half of the pair, can only do so much. Eh, sa pagdedepensa nga lang kay Angel, ‘yun na ang napala niya, how much more she takes a more defensive stance for his son’s co-star? At ano ba kasi ang ipinagpuputok ng butse ng mga KathNiel fans na ‘yon, unless they feel that their idols’ status is not secure in itself?
The burden rests on KathNiel, sila ang dapat pumagitna in what appears to be a sea of social media turbulence na mga tagahanga nila ang may kagagawan.
Mga kapos na kasi sa respeto ang iba sa kanila, kulang na lang ibilang sa mga naglipanang illiteratti na nauubos ang buong maghapon sa kaba-bash sa mga taong feeling nila’y threat sa kanilang mga idolo!
How pathetic!
q q q
Kadalasang ikinokonek ang phrase na “last night” sa lamay. Pero kung karaniwang nag-uumapaw ang mga nakikidalamhati sa huling gabi, in stark contrast ito sa kinalabasan ng pelikulang “Last Night” nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga.
Balita namin, malamig pa sa bangkay ang buong sinehang pinagpalabasan nito. Hindi rin problema sa isang manonood na mahina sa arithmetic ang pagbibilang ng mga pumapasok sa sinehan dahil baka hindi hindi na umabot sa mga daliri ng paa.
Maganda naman ang kuwento na si Bela Padilla ang may-akda ay kung bakit “flopchina Cojuangco” ang movie. Nai-promote naman ito nang husto. Bigatin din naman ang cast.
Making an attempt at analysis has led us to manufacture this conclusive thought: kahit gaano pa kaganda ang pelikula, hindi nabibili sa hardware ang box-office yardstick.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.