HINDI naman pala nag-resign si Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima, kundi sinipa sa trabaho.
Sinabi kasi ni Salalima na siya’y nagbitiw dahil sa corruption at pakikialam ng ilang makapangyarihang tao sa ahensiya, pero di niya pinangalanan ang mga ito.
Pero iba ang kuwento ni Pangulong Digong: Pinagbitiw niya sa tungkulin si Salalima dahil pinapaboran nito ang isang telecommunications company at bi-nabalewala ang iba sa pagbibigay ng kontrata ng gobyerno.
Si Salalima ay executive ng Globe Telecom bago siya pumasok sa Duterte administration.
***
Kung si Salalima ay may kaunting utak, dapat alam niya na ang sinabi niyang corruption at pakikialam ng ilang tao sa Department of Information and Communications Technology ay babalik sa kanya.
Ang pagbibigay ng pabor sa isang kumpanya at pagbawalewala sa iba—na sinasabi ng
pangulo na ginawa ni Salalima sa DICT—ay isang klase ng corruption.
Dapat nalaman ni Salalima na hindi magsasawalang-kibo si Digong sa sinasabi niyang corruption at interference sa awarding ng government contracts because it’s a reflection of the President’s leadership.
Hindi gaanong kilala ni Digong si Salalima na naging schoolmate niya sa San Beda College of Law.
Panahon na para mamili ang Presidente ng kanyang mga alter egos bukod sa kanyang mga classmates at schoolmates sa San Beda College of Law.
Napansin ng mga keen observers na mga San Beda boys ang nasa paligid ni Digong: Salvador Medialdea bilang executive secretary, Vitaliano Aguirre bilang justice secretary, Arthur Tugade bilang transportation secretary at kamakailan, si Salalima sa DICT.
Di naman San Beda ang may monopoliya ng talino.
In fact, ilan sa mga San Beda boys ay mga incompetent at non-performing.
May paniwala sa maraming kultura na ang isang lider ay dapat huwag kumuha ng kanyang mga kamag-anak o malapit na kaibigan bilang katiwala o empleyado dahil aabusuhin nila ang kanilang puwesto.
Sa isang libro na nabasa ko tungkol sa leadership, inggit ang umiiral sa mga kamag-anak o malapit na kaibigan sa kanilang lider kaya’t hindi nila pinagbubutihan ang kanilang trabaho.
***
Kung naghahanap ang pangulo ng kapalit kay Justice Secretary Aguirre, hindi na siya maghahanap sa malayo.
Isa sa mga nakakababang opisyal ni Aguirre ay expert sa criminal law na kailangan ng Duterte administration sa pagtatanggol sa gobyerno dahil sa kampanya nito laban sa droga at kriminalidad.
Si Persida Acosta, ang chief ng Public Attorney’s Office (PAO), ay fourth place sa mga 10 Bar topnotchers noong 1989.
Bilang head ng PAO, pinagtatanggol ni Acosta ang mahihirap na respondents sa criminal cases dala sa kanyang job description.
Pero ang nakakatuwa kay Acosta ay she goes the extra mile: Pinagtatanggol niya ang mga karapatan ng mga api gaya na lang ng isang housemaid na binulag ng kanyang amo.
Ang malupit na amo ay nasa kulungan na ngayon dahil kay Acosta.
Matatas magsalita ng English at ng sariling wika si Acosta di gaya ni Aguirre na uutal-utal at nangangapa sa kanyang sasabihin.
Ang downside lang ni Acosta ay hindi siya graduate ng San Beda College of Law, kundi ng Ateneo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.