Scholarship sa anak ng OFW | Bandera

Scholarship sa anak ng OFW

Liza Soriano - September 30, 2017 - 12:10 AM

ISANG pagbati para sa bumubuo ng inyong pahayagan. Ako po ay si Joel Landicho may limang taon ng nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Dalawang taon din akong nagtrabaho sa private company at ngayon ay may three years na rin na nagtatrabaho sa kumpanyang pag aari ng gobyerno dito sa Saudi Arabia.

Palagi po akong nagbabasa ng inyong pahayagan sa online pero kahit na maayos naman ang aking trabaho ay nagigipit pa rin dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin kaya naman gusto ko sanang itanong sa OWWA kung maaari bang maging scholar nila ang aking anak.

Malaking tulong din sa amin kung mabibigyan ng pagkakataon na maging scholar ng OWWA ang anak ko. Anu- ano po kaya ang saklaw ng kanilang scholarship assistance. Sana ay masagot ang aking katanungan sa pamamagitan po ng inyong column.

Salamat at God bless us.

Joel Landicho, Saudi Arabia

REPLY: Narito ang Scholarship for dependents.

Ang OWWA ay nagbibigay ng mga scholarship programs para sa mga anak ng OFW na aktibong miyembro ng ahensya gaya ng mga sumusunod:

a. Education for Development Scholarship Program (EDSP). Tulong pang-edukasyon para sa mga anak ng mga OFW kung saan ang mga kwalipikadong dependent ay maaaring makapag aral ng 4-5 taong kurso sa kolehiyo, na may P60,000 educational assistance kada taon. Mayroong ‘competitive examination’ na ibibigay ang Department of Science and Technology (DOST).

b. OFW Dependent Scholarship Program (OFWDSP). Isa pang pangedukasyon na tulong para sa mga anak ng OFW na nagnanais na makapag-aral ng 4 na taong kurso. Ang kwalipikadong anak ng aktibong miyembro ng OWWA ay pagkakalooba ng scholarship allowance na P20,000 kada taon.

c. Skills-for-Employement Scholarship Program (SESP). Nagkakaloob ng tulong ang OWWA kung nais kumuha ng vocational o training course sa anumang TESDA- accredited training center ang isang marino. Sa ilalim ng SESP, maaaring makatanggap ng training allowance na P14,500

d. Information and Communication Technology (ICT) Training. Nagsasagawa ang OWWA ng libreng information and communication technology (ICT) training upang maging computer literate.

Higit pa rito, layunin nito ang makatulong na maging maayos at madali ang komunikasyon sa kanilang pamilya satulong ng Internet. Ituturo rito ang paggamit ng basic applications tulad ng Microsoft Word, Excel at Powerpoint.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending