Angel may hamon sa mga fans nina Kathryn at Daniel: Kapag nangyari ‘yun, magso-sorry ako!
HINAMON ni Angel Locsin ang bumibira sa kanyang KathNiel fans na higitan muna ang 50% plus rating ng isa sa nakaraan niyang teleserye bago siya talakan sa Twitter.
Once malampasan ito ng on going teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, manghihingi raw siya agad ng sorry, huh!
Nakakabilib lang ang sitwasyon ni Angel sa Twitter base sa tweets niya. After niyang sagutin ang bashers niya, change mood siya kapag pinupuri ang pinrodyus na movie ng rumored boyfriend niyang si Neil Arce (N2 Productions).
Todo talaga ang pasasalamat niya sa mga netizens na nakapanood na ng nasabing pelikula pero kapag umarya na naman ang kanyang haters, mega patola uli ang aktres!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.