Mga Laro Bukas
(Filoil Arena, San Juan)
2 p.m. CSB vs Mapua
4 p.m. San Beda vs AU
Team Standings: Lyceum (14-0); San Beda (12-1); JRU (7-6); San Sebastian (7-6); Letran (7-7); EAC (6-8); Arellano (5-8); Perpetual (4-8); St. Benilde (3-10); Mapua (1-12)
PINAGANDA ng Lyceum of the Philippines ang kartada nito sa 14-0 matapos na biguin ang Emilio Aguinaldo Collge, 86-74, kahapon sa pagpapatuloy ng 93rd NCAA basketball tournament sa Filoil Arena sa San Juan.
Agad na umarangkada ang Pirates sa 12-2 bentahe sa pagsisimula ng laro at itinala ang pinakamalaking abante na 20 puntos sa ikalawang yugto at hindi na lumingon pa para ihulog ang Generals sa 6-8 kartada.
Pinamunuan ni Jasper Ayaay ang Pirates na may 15 puntos kasunod si CJ Perez na may 13. Nagdagdag si JC Marcelino ng 11 puntos habang si Reymar Caduyac ay may siyam na puntos.
Samantala, nanatiling buhay ang tsansa sa Final Four ng season host San Sebastian Stags matapos nitong biguin ang Letran, 95-64 sa unang laro kahapon.
Pinigilan ng Stags sa mahigpit nitong depensa ang Knights gayundin ang MVP candidate na si Rey Nambatac sa pinakakaunti nitong puntos sa season habang naghulog ng pangontra na season-high 16 triples ng San Sebastian.
Nagtala si Jayson David ng team-best 17 puntos para sa Stags.
Si Nambatac ay nalimita sa anim na puntos. — Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.