Goma bagong Patola King, nakipagtalakan sa bashers ni Lucy  | Bandera

Goma bagong Patola King, nakipagtalakan sa bashers ni Lucy 

Cristy Fermin - September 20, 2017 - 12:30 AM

 

LUCY TORRES AT RICHARD GOMEZ

WALA na talagang safe ngayon sa social media. Wala pang isang minuto ay agad nang nalalantad sa publiko ang mga nagaganap sa buhay ng mga artista at pulitiko.

Wala silang kalaban-laban sa mga bashers, talagang inuupakan sila, kaya kung maigsi ang pisi ng pasensiya ng personalidad ay umaabot siya sa sukdulan ng pagpatol sa basher.

Nadagdag sa listahan ng mga patolah kung tawagin si Mayor Richard Gomez. Siya kasi ang sumasalo sa mga upak sa kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres tungkol sa usapin ng budget ng CHR.

Wala namang lumabas na listahan ng mga kongresistang bumoto sa isang libong pisong budget na pinagkasunduan ng Mababang Kapulungan pero lumutang agad na isa sa mga bumoto para du’n si Congresswoman Lucy.

‘Yun na! Napakaraming nam-bash sa kinatawan ng kanyang distrito sa Ormoc City. Si Mayor Goma ang humarap-sumagot sa mga bashers ng kanyang misis. Siya ang pinagbalingan ng mga galit sa kanyang misis.

Hindi kagandahan ang mga ibinuweltang salita ni Mayor Goma, maraming nawindang sa kanyang mga salita, pero kung ang mga taga-showbiz ang tatanungin ay hindi na bago ‘yun.

Isa si Richard Gomez sa mga artistang kilala sa pagiging diretso at bokal sa kanyang mga saloobin. Wala siyang sinisino, wala siyang inuurungan, matindi ang kanyang paninindigan.

Pero ngayong nasa mundo na siya ng pulitika ay kailangan nang mamili si Mayor Richard ng mga giyerang papasukin niya.

Lalo na ang mga isyung papatulan niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending