Guro may libreng sakay sa LRT1 sa Linggo | Bandera

Guro may libreng sakay sa LRT1 sa Linggo

- September 15, 2017 - 04:56 PM

LRT

Libreng makasasakay ang mga guro sa Light Rail Transit Line 1 sa Linggo, Setyembre 17.

    Ang libreng sakay ay bahagi ng pagdiriwang ng National Teacher’s Month, ayon sa Light Rail Manila Corp., ang operator ng LRT 1.       Kailangan lamang magpakita ng identification card mula sa Department of Education, ID ng eskuwelahan kung saan sila nagtuturo o lisensya mula sa Professional Regulation Commission sa gate na inilaan para kanilang pasukan.       Ang LRT 1 ay bumibiyahe mula Baclaran sa Paranaque City hanggang sa Roosevelt sa Quezon City. Mayroon itong 20 istasyon. Ang unang tren ay umaalis ng Baclaran ng alas-4:30 ng umaga at ang huling biyahe paalis ng Roosevelt ay 9:45 ng gabi.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending