Wish ni Sam: Si Mari Jasmine na sana ang maging ‘forever’
MALAPIT nang matapos ang pelikulang “Ang Pambansang Thirdwheel” nina Sam Milby at Yassi Pressman mula sa Viva Films sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal.
Nakahi-nga na nang maluwag ang buong production team dahil matagal na itong nasimulan at hindi lang naging tuluy-tuloy ang shooting dahil parehong busy ang dalawang bida ng movie.
Si Yassi ay abala sa ta-ping ng FPJ’s Ang Probinsyano mula Lunes hanggang Sabado at Linggo lang ang libreng araw niya para sa shooting na minsan ay naaagaw pa ng schedule niya para sa TV commercial shoot o iba pang mga commitment.
Samantalang si Sam naman ay laging nasa ibang bansa dahil sa kaliwa’t kanang The Filipino Channel shows kasama ang ibang Star Magic artists.
Isa pang nilu-look forward ni Sam ay ang nalalapit nilang taping para sa bagong teleserye ng ABS-CBN kung saan makakasama niya sina Yen Santos, Yam Concepcion at Jericho Rosales.
Anyway, malapit nang lumabas ang music video ni Sam para sa awiting “Tunay Na Pag-Ibig” mula sa latest album nitong “Sam:12” na na-release noong Mayo na naging bahagi ng kanyang birthday celebration.
Ang nanalong Binibi-ning Pilipinas-International na si Kylie Versoza ang leading lady ni Sam sa music video na idinirek naman ni Kean Cipriano.
Speaking of bagong teleserye ni Sam ay pinaghahandaan niya ulit ang bagong karakter na gagampanan niya at bagong challenge na naman ito sa aktor tulad ng huling serye nila ni Julia Montes na Doble Kara na nagtapos noong E-nero, 2017.
Masaya, tahimik at going strong ang relasyon ni Sam kay Mari Jasmine na ayaw na rin niyang masyadong pinag-uusapan sa media para walang isyu. Nadala na marahil ang binata sa nakaraang relasyon niya na halos araw-araw ay nasa pahayagan.
Pero siyempre umaasa ang binata na si Mari Jasmine na nga ang kanyang “forever”. Ang tanong kailan kaya ang kasalan?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.