Probinsyano humahataw din sa iba’t ibang bansa; Wally sikat sa mga OFW
ANG lakas pala ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ibang bansa bossing Ervin dahil ultimo supporting characters ay kilalang-kilala ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Tulad ni Wally ang chubby cute guy na ala-alaga na ngayon nina Lola Flora (Susan Roces) na gusto nang magbago kaya isinumbong na ang mga illegal na gawain ni Mitch Valdez bilang Kapitana ng Barangay na nilipatan nina Cardo (Coco Martin).
Kaya namin ito nabanggit ay dahil tinanong ng mga tita kong nasa Amerika kung kilala namin si Wally. Kaya nagkainteres kaming interbyuhin siya ng solo dahil sa totoo lang lagi kaming nagkikita pero hindi kami nagkakaroon ng tsansang makatsikahan siya.
Sa presscon ng 100 weeks celebration ng Ang Probinsyano ay sinadya naming kornerin ang binata. Si Wally ay si Philip Joshua o PJ Endrinal na anak ng Dreamscape TV business unit head na si Deo Endrinal kaya naisip namin na spoiled brat siya dahil kasama siya sa programang hindi matinag-tinag sa ratings game.
Nabanggit ni Wally na ang FPJAP ang longest serye niya, “Opo, kasi usually sa movies ako or guesting lang sa ASAP. Ito po ‘yung pinaka-long term ko,” magalang na bungad ng aktor.
Hilig ni PJ ang photography, “Ako po gumagawa ng (publicity photos ng) Wansapanataym. Dapat po ako magsu-shoot kay Awra pero dahil nagti-taping na rin ako, hindi ko na ‘yun magampanan.”
Hilig daw talaga niya ang umarte kaya marami-rami na rin ang mga pelikulang nasamahan niya, tulad ng “A Moment In Time” (2012) nina Julia Montes at Coco Martin, “Just The 3 Of Us” (2016) nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado, “Luck At First Sight” (2017) nina Jennylyn at Jericho Rosales, at “Finally Found Someone” (2017) nina John Lloyd at Sarah Geronimo.
“Actually, unang pasok ko po, pagsasayaw, pero in general po performing arts siguro kasama na roon ang acting at thankful naman ako nabigyan ako ng chance na magkaroon ng teleserye. Recently nga po napasama ako sa Finally Found Someone.
“Ang dream ko po talaga, maging sikat na photographer. Ang hirap nga po kasi sinasabing isa kang jack of all trades, pero kung saan po ako nagiging masaya doon ako. Ngayon po nag-i-enjoy akong mag-taping kasi isang masayang pamilya po kami sa set (ng Probinsyano),” kuwento pa ni PJ.
q q q
Napasok ba siya sa production dahil big boss ang kanyang sa ama ng Dreamscape? Ito rin kasi ang nasa isip ng iba, “To be honest po, noon siyempre ayaw niya talaga akong mag-on cam. Pero ngayon, parang naisip niya na, ‘Sige why not, na-build up mo na rin ang confidence mo’. So, hayun. Siguro po ang takot
lang niya na as parent ay ‘yung bashers and mga haters.”
Bakit naman siya iba-bash, wala naman siyang kaaway o inaaway? “Eh, aminin po natin, malaki ako (chubby).” Sabi namin sa kanya, ang cute niya sa personal, parang baby na masarap kurut-kurutin o i-hug.
“Sabi nga ni Coco sa akin, ‘wag kang ma-conscious diyan, kaya ka nga kinuha (sa FPJAP) kasi malaki ka. Kasi konti na lang kayong ganyan. ‘Yun nga raw po ang sabi, ‘yung cuteness ko raw,” paliwanag ng aktor.
Wala naman sa isip ni PJ na maging bida dahil mas type niya ang supporting roles. Sino pa ang gusto niyang makatrabaho bukod kay Coco? “Sa generation po kasi ngayon parang naabot ko nang makatrabaho sina John Lloyd, Sarah, sa TV naman si Coco. As of now po wala akong maisip. Ayoko pong maka-offend ng ibang tao, pero siguro sina Gerald (Anderson) or sa veteran si Ms. Gloria Romero,” aniya.
Simula pala nang magtapos siya sa kolehiyo ay hindi na siya humihingi o binibigyan ng allowance ng daddy niya at solo na niya ang kinikita niya.
“After ng college (2012), never na po ako binigyan ng pera ni Daddy. Okay sa akin po kasi sabi niya para matuto akong maging independent,” pag-amin nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.