Paulo, Ritz walang arte sa mga love scene
GAME na game si Ritz Azul sa mga maiinit na eksena nila ni Paulo Avelino sa bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment TV na The Promise Of Forever na nakatakda nang magsimula ngayong September.
Excited na humarap sa ilang miyembro ng entertain ment press at bloggers sina Ritz, Paulo at Ejay Falcon sa digicon ng The Promise Of Forever para promal na i-announce na finally ay maipapalabas na ang pinaghirapan nilang proyekto na halos isang taong binuo ng Dreamscape.
Ayon kay Ritz, “Personally proud ako and excited ako na maipalabas ito. Alam naming pinaghirapan talaga ito at talagang pinaghandaan. Medyo nagtagal siya sa pag-ere kasi sobrang inayos, ni-revise ‘yung istorya. We aimed ‘yung pagka-perfect nung show.”
Sa trailer pa lang ng serye, marami nang viewers ang na-curious lalo na sa karakter ni Paulo na ilang daang taon nang nabubuhay sa mundo ngunit hindi nagbabago ang itsura na mai-in love sa karakter ni Ritz na walang kaalam-alam sa lihim na pagkatao ng lalaking itinuturing niyang “superhero”.
Isa sa mga eksenang ipinapakita sa teaser ng TPOF ay ang love scene nina Ritz at Paulo kaya natanong ang dalawa kung paano nila pinaghandaan at in-execute ang mga ganu’n kasensitibong eksena, “Alam ko namang aalalayan ako ni Paulo. Gentleman siya. Alam ko namang hindi niya ako papabayaan sa scene. Hindi ako masyadong sanay sa ganu’ng scenes. In fairness naman,” sagot ni Ritz.
Hirit naman ni Paulo, “Ginawa naman siya in a way na hindi kabastos-bastos tingnan. Medyo sensual siya pero mas mararamdaman niyo yung pag-ibig nila para isa’t isa kaysa yung actual na ginagawa nila.”
Kuwento pa ni Paulo, iikot ang kuwent sa karakter niyang si Nicholas na isinumpang mabuhay nang walang hanggan. Pagkalipas ng mahigit 100 taon, makikilala niya si Sophia (Ritz) sa isang cruise ship na muling magpapatibok ng kanyang puso.
Ngunit magiging kumplikado ang kanilang buhay dahil sa lover ni Sophia na si Philip (Ejay). Mas magiging mahirap din kay Nicholas ang kasalukuyan niyang buhay dahil sa pagtuklas niya ng gamot sa kanyang “sakit”.
Ang The Promise Of Forever ay sa direksyon nina Darnel Villaflor at Hannah Espia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.