KimPau umariba na sa shooting ng 1st movie: ‘Quizmosa’ sa TiktoClock
NAGSIMULA nang gumiling ang mga camera para sa kauna-unahang pelikula ng rumored couple na sina Kim Chiu at Paulo Avelino.
Ang tinutukoy namin ay ang pelikula nilang “My Love Will Make You Disappear” na ipo-produce ng ABS-CBN at Star Cinema.
Sa isang Instagram post ng Star Cinema, makikita ang litrato ng isang movie clapperboard na may nakasulat na “My Love Will Make You Disappear,” mula sa direksyon ni Chad Vidanes.
Baka Bet Mo: Paulo ipinakulam daw ng galit na fan: Parang hindi naman effective
Ginawa ang nasabing announcement ng Star Cinema ilang araw matapos mag-share si Kim ng litrato kasama sina Paulo at Direk Chad.
View this post on Instagram
Kuha ang mga litrato sa isinagawa nilang script-reading session, kamakailan kasama ang ilan sa kanilang mga co-stars sa movie kabilang na sina Wilma Doesnt, Nicco Manalo at Karina Bautista.
Ito ang unang pagkakataon na magsasama sa pelikula ang KimPau matapos ang dalawa nilang successful TV and digital series na “Linlang” at ang Pinoy version ng hit Korean series na “What’s Wrong With Secretary Kim?”.
Kung hindi kami nagkakamali, isa sa mga magiging pasabog na handog ng Star Cinema ang “My Love Will Make You Disappear” sa pagpasok ng 2025.
* * *
Tuluy-tuloy ang saya at papremyo sa one-of-a-kind countdown variety show ng GMA Network na “TiktoClock!”
Bukod sa exciting time-limited games at tapatan ng mga mahuhusay na singer sa “Tanghalan ng Kampeon,” may ipakikilala ring bagong segment at laro ang show.
Yan ang “Quizmosa,” kung saan makaka-chismis ka na, may cash prize ka pa!
View this post on Instagram
Alamin kung paano mananalo sa “Quizmosa” sa pamamagitan ng pagtutok sa “TiktoClock,” Lunes hanggang Biyernes tuwing 11 a.m. sa GMA 7.
Abangan din kung sinu-sino ang mga celebrity guest na makikisaya sa bagong game na mamahalin ng lahat ng Kapuso viewers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.