Gordon, Trillanes nagkainitan kaugnay ng isyu kung iimbitahan sina Paolo Duterte, Mans Carpio | Bandera

Gordon, Trillanes nagkainitan kaugnay ng isyu kung iimbitahan sina Paolo Duterte, Mans Carpio

- August 31, 2017 - 05:10 PM

SUMIKLAB ang tensyon sa pagitan nina Blue Ribbon committee chair Sen. Richard Gordon at Sen. Antonio Trillanes IV matapos mag-mosyon ang huli na imbitahan sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at kanyang bayaw na si Mans Carpio sa pagdinig ng P6.4 bilyon shabu shipment.

Iginiit ni Trillanes na dapat ipatawag  sina Duterte at Carpio sa pagdinig para magpaliwanag matapos ang alegasyon ng isang testigo na sangkot at dalawa sa umano’y  “Davao Group” ng Bureau of Customs (BOC).

Matatandaang ipinakita ng testigo na si Mark Taguba II ang mga text messages sa pagitan niya at ng isang “Tita Nani” kung saan nabanggit din ang mga pangalan nina  “Pulong” at “Mance” sa mga transaksyon.

Idinagdag ni Gordon at Majority Leader Vicente Sotto III na dapat munang magpakita ng solidong ebidensiya si Taguba kapalit ng pagpapatawag kina Duterte at Carpio.

Tinawag naman ni Trillanes ang Blue Ribbon Committee bilang “committee de abswelto.”

“You’re out of order. I will not dignify your statements,” sabi ni Gordon bilang tugon kay Trillanes.

Idinagdag ni Gordon na personal siyang maghahain ng reklamo sa ethics committee laban kay Trillanes.

Tinawag ito ni Trillanes na “irrational ruling,” kung saan sumagot si  Gordon ng , “I’ve always acted rationally.”

Sinuspinde ang sesyon ng ilang minuto dahil sa pagkakainitan ng dalawang senador.

Sa isang ambush interview, binatikos ni Trillanes sina Gordon at Sotto, na parehong kaalyado ni Pangulong Duterte.

Inakusahan din ni Trillanes ang dalawa na nagiging abogado na nina Duterte at Carpio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending