Kailan makapag-aasawa? (2) | Bandera

Kailan makapag-aasawa? (2)

Joseph Greenfield - August 31, 2017 - 02:48 PM

Sulat mula kay Lolitie ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu
Problema:
1. Magte-38 years old na ako sa darating na October 6, ang problema wala pa akong matino at seryosong boyfriend sa ngayon. Nagka-boyfriend na ko dati sa internet lang pero noong magkita kami hindi na ito nasundan at nagde- activate na rin siya ng account kaya nawalan na kami ng communication. Sa ngayon ay lagi akong nagdarasal na sana bago man lang ako umabot ng edad 40 ay magka-boyfriend na ako, makapag-asawa at magkaroon ng sarili pamilya dahil ang alam ko kapag tumatanda na ang isang babae ay mahihirapan ng manganak.
2. Ano sa palagay nyo magkaka-boyfriend pa kaya ako, makapag-asawa at magkakaroon pa kaya ako ng isang simple at masayang pamilya? At kung magkakaroon kailan naman kaya ito mangyayari? October 6, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Lolitie ng Cebu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa sign na Gemini ang darating, kung saan, ang lalaking ito ay madyo kayumanggi ang kulay na balat at medyo kulot na matigas ang kanyang buhok.
Numerology:
Ang birth date mong 6 ay nagsasabing ang lalaking darating na isa ring matandang binata na nagta-trabaho sa isang kumpanya na may kaugnayan sa “assembly at manufacturing” ay isinilang sa petsang 3, 12, o kaya’y 27.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na medyo malaki na malapad, ay nagsasabing isang lalaking pahaba ang hugis ng mukha na medyo maitim at matigas ang buhok na madaldal ang iyong magiging boyfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Huling payo at paalala:
Lolitie hindi ka dapat malungkot at kabahan sa kasalukuyan sapagkat may nakalaang lalaki sa iyong buhay at ang lalaking ito ay darating sa taong 2019 sa buwan ng Pebrero o kaya Marso, sa edad mong 40 pataas. Matiyaga ka niyang liligawan hanggang sa magkahulugan ang inyong loob na sa bandang huli sa taong 2020 sa edad mong 41 pataas ay tuluyan na ring mauwi ang inyong relasyon sa pagpapakasal na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na pagpapamilya na bibiyayaan ng dalawang malusog na isang babae at isang lalaking sanggol, na lalo pang kukumpleto at magbibigay ng dagdag na galak at saya sa inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending