Alalay ni Nadine inireklamo: Kinakawawa n’yo ang fans!
FANS of Nadine Lustre were furious over the actress’ alalay who prevented them from doing selfie photos with James Reid’s girlfriend.
Hinabol ng ilang fans si Nadine sa carpark para magpa-selfie pero parang may discrimination na nangyari dahil ‘yung isang guy ay pinagbigyan and the rest ay hindi na.
One avid fan of Nadine, @jesseca_JD, posted a video and ranted, “Pare-pareho lang tayong fans. Sorry Nadz if ever makita mo ‘to pero this has to stop. Bound to KSA yung fan na pinagbawalan lumapit kay Nadz.”
“Nung kami nagpapapic, sinabi niya na BILISAN MO NA ENZO. Pero yung isang nagpapic na hindi namin kasama, pina go niya. Kaya sumunod si ate sa parking dahil hindi siya nasama sa selfie nung una. Pero yun, BAWAL DAW SIYA doon. Anong pinagkaiba nila?”
“Kala ko pare-pareho lang tayong fans? Bakit ikaw pwede sumunod hanggang parking? Hindi naman mananakit yung fan ah?”
“Ang nandoon lang, kaming 7 (2 pa doon Naddicts) then mga iilang tao na palabas din. Naiinis ako na last chance na nung isang fan magpic. Hindi nagmamadali si Nadz. Cool lang siya. Pero bakit kailangan pagmadaliin sina Enzo?! Dahil kami yung nandoon? Dahil hindi mo kami bet?”
“Nakakainit ng ulo!!!! Dko pagsisisihan ‘tong pagtweet ko. THIS HAS TO STOP! YUNG PANGHAHARANG NIYO SA MGA FANS SA GANITONG SITWASYON!”
Narito ang comments ng netizens, “Kawawa nman kasi yung nag eeffort na sundan ang JaDine, sana alam ng balyenang yan ang effect dun sa dalawa,” @pamittan_joan commented.
“OMG! Bat andyan na naman yang bouncer po? @ysonmanzano has to put a stop to her.Pare pareho nga lng tyong fans eh. My gosh this bouncer grl,” @jadineIL2LU said.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.