Charice sinulsulan ni Alyssa kaya itinigil ang sustento sa pamilya | Bandera

Charice sinulsulan ni Alyssa kaya itinigil ang sustento sa pamilya

Cristy Fermin - June 13, 2013 - 02:29 PM

Raquel and Charice Pempengco and Alyssa Quijano

Lumutang ang isyu na kaya ganyan na lang ang galit ni Aling Raquel sa kanyang panganay na anak na si Charice Pempengco ay dahil sa nakasanayan na nitong sustento mula sa international singer.

‘Yun ang impormasyong galing mismo sa kampo ni Charice, pinagdududahan ng kanyang ina na ang karelasyon niyang si Alyssa Quijano ang naging dahilan ng pagkaputol ng kanyang sustento, kahit pa hindi naman pinakikialaman ng dalaga ang pera ni Charice.

“Pero mula nu’ng maging magulo na ang sitwasyon at nag-away sila, natural, nahinto ang sustento, ang pinanggigigilan naman ng family ni Charice, e, si Alyssa. Siguro raw, e, binubulungan niya si Charice na ihinto na ang pagbibigay ng sustento sa mommy niya,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Pero ikinakaila naman ‘yun ni Aling Raquel. Mula raw nu’ng 2010 ay meron nang humahawak sa kinikita ng kanyang anak sa Amerika, ito raw ang kumokontrol sa labas at pasok ng pananalapi ng international singer, kaya walang katotohanan na sustentado pa rin sila hanggang ngayon ng kanyang anak.

Anuman ang nagaganap sa kanila ngayon ay malinaw ang sinasabi ng pangyayari, naging mabuting anak si Charice sa kanyang pamilya, kahit pa hindi niya naman obligasyon ang ganu’n.

Bonus na lang ang tawag sa ganu’n, pero sa kulturang Pinoy, ang ginagawa ni Charice Pempengco sa kanyang pamilya ay isang magandang halimbawa ng isang anak na marunong tumanaw ng utang na loob at magpahalaga sa mga taong nagmamahal sa kanya.

Sabi nga ng kaibigan naming si Sonia Francisco, “Hindi na rin nagkulang ang tomboy sa kanyang pamilya.”

Wagas!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending