Ang Philippine News Agency noon | Bandera

Ang Philippine News Agency noon

Ramon Tulfo - August 22, 2017 - 12:10 AM

ANG Philippine News Agency (PNA), na pag-aari ng gobyerno, ay tampulan ngayon ng kantiyaw dahil sa naging malaking pagkakamali nito.

Nagkamali ang PNA na gawing logo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang logo ng multinational company na Dole Philippines.

Ang logo ng Dole Philippines ay pinya na may tatak na “”Dole” sa ibaba.

Hindi makakalimutan ng publiko ang ganoong pagkakamali na ikinagalit ni Communications Secretary Martin Andanar.

Ang PNA ay nagbibigay ng mga reports tungkol sa gobyerno sa mga diyaryo, radyo’t telebisyon at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Kaparehas ang PNA ng mga international news agencies na UPI, Associated Press (AP), Reuters at Agence France Press (AFP).

Itinatag ito noong Marso 1, 1973 sa ilalim ng Department of Public Information (DPI) na pinamumunuan ni Francisco “Kit” Tatad.

Pero bago pa man noon ay meron nang PNA bago madeklara ang martial law.

Mapalad ang inyong lingkod na naging bahagi ako ng PNA bilang deskman o isang miyembro ng staff na sumusuri ng mga kopya ng mga reporters sa field.

Nagtrabaho ako sa PNA mula 1973 hanggang 1975.

Nagkaroon ako ng pakpak bilang journalist, ‘ika nga, matapos akong makapagtrabaho sa PNA.

Ang aking pagiging batikang journalist ay nagsimula sa PNA noong mga panahon na matatawag na “golden years” para sa ahensiya.

Maaaring ang PNA ay naitatag o na-reorganize noong martial law era, na sikil ang pamamahayag, but the agency tried to be as independent as possible under the circumstances.

Kahit na nasa ilalim kami ng Bureau of National and Foreign Information (BNFI) ng Malacanang, ang PNA sa pamamahala ni Joe Pavia, ang unang manager ng bagong reorganized na ahensiya, ay umiwas na huwag mapasailalim ng mga martial law censors.

Ewan ko kung paano ginawa ni Pavia, pero nakakapaglabas ang PNA ng mga ulat na maituturing na bawal noong martial law.

Ang PNA at ang Manila Bulletin lang ang hinahayaang maglabas ng mga reports na maaaring makasira sa martial law government.

Ang Manila Bulletin naman kasi ay pag-aaari ni Brig. Gen. Hanz Menzi, na aide-de-camp ng Pangulong Ferdinand Marcos noon.

Baka naman kasi pinapakita ng gobyerno na menos o walang censorship sa ilalim ng martial law administration ni Marcos.

Dinala ni Jopavs, palayaw ni Pavia, ang kanyang dating mga kasamahan sa pre-martial law Philippines Herald na sina Rony Tianco, Tito Tagle, Cipriano Roxas, Bert Corvera at Esperanto Curameng.

Masasabi ko na mabibilang sila sa pinakamagagaling na journalists noong mga panahong yun.

Sina Tianco, Tagle, Roxas at Corvera ang magagaling sa grammar at sinusuring maigi ang sinulat na mga balita ng mga reporters sa field.

Kasama sa magaling sa pagsuri ng mga reports si Virgilio “Viring” Samonte na dating deskman ng pre-martial law PNA.

Ang mga bagitong alalay ng mga ito—si Rey Panaligan, Leo Deocadiz at ang inyong lingkod—ay pinagbubuntunan ng galit kapag nakaligtaan naming mapuna ang mga pagkakamali sa grammar at spelling ng mga reporters at correspondents.

Sina Cip Roxas, na madaling magalit, at ang coolheaded na si Tito Tagle ang equivalent ng aming drill sergeants.

Accuracy o tamang balita (hindi “fake news” na uso na ngayon sa Internet) at objectivity o walang kinikilingan ang pinagdidiinan sa amin nina Tagle at Roxas.

Nanginginig kaming mga bagitong journalists kapag pinagagalitan kami ng dalawa.

“PI, bumalik ka nga ng high school, Mon!” pasigaw na sinabi sa akin ni Cip Roxas nang di ko napansin ang grammatical at spelling errors ng isang reporter na tinawag niyang “estupido.”

Kung si Cip ay palasigaw, siya namang pagkamalumanay magsalita si Tito.

Para silang mga “good cop, bad cop” sa amin nina Rey at Leo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Looking back to those days, masasabi ko na sina Roxas at Tagle at ang PNA ang naghubog sa aming tatlo na maging batikang mga journalists.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending