Tauhan ni GMA uupo na sa Cabinet ni Digong | Bandera

Tauhan ni GMA uupo na sa Cabinet ni Digong

Den Macaranas |August 18,2017
facebook
share this

Tauhan ni GMA uupo na sa Cabinet ni Digong

Den Macaranas - August 18, 2017 - 12:10 AM

USAP- usapan ngayon sa apat na sulok ng Malacanang ang posibleng pagbabalik sa gobyerno ng isang dating Cabinet secretary.

Sinabi ng ating Cricket na sa loob lamang ng nakalipas na dalawang buwan ay dalawang beses na nakipagpulong ang dating opisyal kay Pangulong Duterte.

Ang huling pulong nila ay ginawa mismo sa loob ng Malacanang.

Gusto kasi ng pangulo na italaga ang dating opisyal bilang miyembro ng kanyang Gabinete.

Walang duda na good choice ang dating kalihim pero hindi rin nya kaagad na mabibitawan ang kanyang mga commitment at mga malalaking kliyente.

Isa kasing mahusay na abogado at manager ang bida sa ating kwento.

Kung dati siyang itinuring bilang isa sa pinakamabigat na asset ng Arroyo administration noong araw ay tiyak rin na magiging kapaki-pakinabang na asset ng kasalukuyang administrasyon.

Sabi nga ng isang miyembro ng Gabinete, presidential material din ang ating
bida kapag naging impresibo ang trabaho nito sa Duterte administration.

Ang tanong na lang ngayon ay kung kukunin nya ang posisyon bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Bagaman naipangako na kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Ano ang nasabing pwesto ay
hindi rin sya agad na makakaupo dito dahil sa ilang legal issues sa batas na bumuo sa DILG.

Ang dating cabinet official na sinasabing babalik sa gobyerno at posibleng mamuno sa DILG ay si Mr. G….as in Good guy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending