PH archers natumbok ang ikalawang bronze medal | Bandera

PH archers natumbok ang ikalawang bronze medal

Melvin Sarangay - August 17, 2017 - 06:19 PM

NAGDIWANG ang PH men’s archery team na binubuo nina Earl Yap, Joseph Benjamin Vicencio at Paul Marton dela Cruz matapos makuha ang tansong medalya sa 29th SEA Games men’s team compound event Huwebes. INQUIRER

NATUMBOK nina Earl Yap, Joseph Benjamin Vicencio at Paul Marton dela Cruz ang ikatlong medalya  ng Pilipinas – isang tanso – sa men’s team compound event ng archery competition Huwebes sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Naging mainit sa kanilang opening match ang second-seed na Pinoy archers na dinaig ang Myanmar, 236-214, para umabante sa semifinals kontra Singapore, na naungusan ang Indonesia, 226-225.

Subalit kinapos sina Yap, Vicencio at Dela Cruz laban sa mga Singaporeans, 227-233, para mahulog sa labanan para sa bronze medal kontra Vietnam, na natalo sa kanilang semis match kontra eventual gold medalist Malaysia, 227-228.

Ginapi naman ng Filipino archers ang mga Vietnamese, 233-230, para maduplika ang kanilang bronze-medal finish sa 2015 Singapore Southeast Asian Games.

Ito ang ikalawang tansong medalya ni Dela Cruz, na pumangatlo sa men’s individual compound nitong Miyerkules.

Ang PH sepak takraw team ang naghatid ng unang medalya ng bansa na isang pilak mula sa men’s chinlone team event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending