True ba, Arci Muñoz may body dysmorphic disorder kaya naadik sa pagpaparetoke? | Bandera

True ba, Arci Muñoz may body dysmorphic disorder kaya naadik sa pagpaparetoke?

Cristy Fermin - August 15, 2017 - 12:01 AM

ARCI MUÑOZ

SIGURO naman, dahil sa sobrang sakit na ng mga salitang ibinabato ngayon kay Arci Muñoz, ay magigising na siya sa katotohanan na tantanan na niya ang pagpaparetoke.

Ang totoo ay wala naman kasing dapat ipabago sa kanyang itsura ang singer-actress, ang ganda-ganda na niya, ewan naman kung sino ang nagtulak sa kanya na sumailalim pa sa proseso ng cosmetic surgery.

Sabi nga ng anak-anakan naming si Ching Bautista-Silverio ay parang sakit na ang paulit-ulit na pagpaparetoke, ang tawag du’n ay body dysmorphic disorder, nagiging adik na sa cosmetic-plastic surgery ang taong ganu’n.

Minsang nagpagawa ay uulit na agad, kahit wala namang dapat ipabago sa kanyang mukha at katawan ay maghahanap talaga ang may body dysmorphic disorder, para lang masunod ang kanyang gusto.

Matitindi ang mga salitang ibinabato ngayon kay Arci Munoz, alien pa nga ang tawag sa kanya ng mga netizens, lalo na ang mga bashers na busog na busog kapag may nasasaktan silang mga personalidad.

Siguro naman ay pepreno na ngayon si Arci Muñoz sa pagpapabago ng kanyang itsura, hindi ‘yun nakaganda sa kanya, hindi tagumpay at kagandahan ang inani niya kundi kaliwa’t kanang pamimintas at paghusga sa social media.

Sira lang ang ipinagagawa. Ang buo ay hindi. Wala namang sira sa itsura ni Arci Muñoz kaya kailangan na siyang maghunos-dili ngayon sa pagpaparetoke.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending