Stude, 1 pa dakip sa P12M shabu sa Cebu | Bandera

Stude, 1 pa dakip sa P12M shabu sa Cebu

John Roson - August 10, 2017 - 02:02 PM

Dalawang babae, kabilang ang isang university student, ang naaresto habang mahigit P12 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation sa Cebu City Miyerkules ng gabi, ayon sa pulisya.

Nadakip sina Mheacy Empasis, kumukuha ng kursong education sa University of Cebu, at “kasabwat” niyang si Trinidad Lumactud, 46, sabi ni Senior Insp. Reslyn Abella, tagapagsalita ng Central Visayas regional police. Si Empasis, 23, kilala rin bilang “Zhaiie,” ay isang high-value target at may kaugnayan kay Layme Parba, isa ring drug suspect na nadakip noong nakaraang buwan at nakaditine sa Cebu City Jail, ani Abella. Isinagawa ng mga elemento ng Cebu City Police ang operasyon laban kay Empasis sa kanyang bahay sa Sitio Manga, Brgy. Tisa, dakong alas-10 ng gabi Miyerkules, matapos ang dalawang buwang pagmo-monitor sa suspek, aniya. Nakuhaan sina Empasis at Lumactud ng isang malaking pack at tatlong medium-sized pack na may kabuuang 1,075 gramo, o P12.685 milyon halaga, ng hinihinalang shabu, ani Abella. Nakuha din sa dalawa ang labindalawang P500 papel na ginamit bilang “boodle money” at P1,000 cash na ginamit bilang buy-bust money. Nakaditine ngayon sina Empasis at Lumactud sa Cebu City Police Office habang hinahandaan ng kaukulang kaso, ani Abella.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending