Sylvia Sanchez pinalabas ng mga gwardya sa isang mall sa Butuan
LAST week ay umuwi si Ms. Sylvia Sanchez sa kanilang bayan sa Nasipit, Agusan del Norte via Butuan City dahil pinarangalan siya ng kanilang bayan for her success sa larangang kanyang kinabibilangan.
Sumama si kafatid na Shyr Valdez kay Ibyang at itong ginawa kundi kunan ng picture and video ang kaibigan kahit saan sila magpunta. Nakita ko ang cute na video ni Ibyang sa palengke na namamakyaw ng kropek dahil may istorya pala sa likod nito.
“Sumasali kasi ako sa mga singing contest noong bata pa ako dahil kapag sumali ka, automatic meron kang matatanggap na kropek, biscuit at Coke. Alam ko namang wala akong laban sa kantahan dahil may pagkasintunado ako noon, hindi ko na hinahangad na mapanalunan ang P150 na grand prize dahil di-hamak na mas maraming magagaling na singers compared sa akin.
“Ang habol ko lang ay makakain ng kropek at makainom ng softdrinks. Kasi nga, wala naman kaming pambili noon dahil sobrang hirap ng buhay namin. Ha! Ha! Ha! Kaya pag nakakauwi ako at may chance, namamalengke ako lalo’t market day talaga namin. Iyon ang ginawa ko nu’ng Wednesday morning, namalengke kami dahil magluluto ako’t magpapakain sa amin. Nagpa-lechon din ako,” ani Sylvia nang makausap namin sa phone.
Tuesday morning sila dumating ng Agusan del Norte. Bandang 10:30 a.m. siya binigyan ng award, sila ng kanyang butihing ina ang umakyat ng entablado para tanggapin ang kaniyang parangal bilang natatanging anak ng Nasipit. Pag-uwi nila, nagpahinga lang saglit then they decided na mag-grocery sa Robinson’s Butuan.
Nu’ng pumasok sila sa mall, napansin ng mga kasamahan ni Sylvia na merong sumusunod sa kanila. Yung iba nagpa-picture at yung iba naman ay parang gusto lang siyang makamayan at makita. Habang nakapila na sila sa cashier, padami na nang padami ang nag-aabang sa kanya. Pagkabayad, sumobra na ang dami ng tao sa paligid na hindi na makontrol ng mga guwardiya.
Kaya pinakiusapan ng isang guwardiya ang personal assistant ni Sylvia na kung maaari ay lumabas na sila ng mall dahil nagkakagulo na ang mga tao at hindi na nila kayang i-secure ang paligid.
“Hindi naman ako first time umuwi para ma-mob nang ganoon. Twice a year akong umuuwi kaya nakakagulat. First time kong maranasan ‘yun sa amin. Hindi naman ako young star para dambahin kaya naloka ako! At karamihan sa kanila ay hindi Sylvia ang tawag sa akin kundi Gloria. Doon ko na-realize na napakalaki pala talaga ng impact ng serye naming The Greatest Love sa kanila.
“Hay Diyos ko, nakakatuwang nakakagulat. At least naranasan kong palabasin ng mall dahil pinagkaguluhan. Kung kailan ako tumanda tsaka naman ako nakaranas ng ganyan. Ha! Ha! Ha!” tawa nang tawang kuwento sa amin ni Sylvia sa telepono.
“Napakasaya ng feeling dahil bukod sa mga pagkilalang ibinibigay sa akin, buo rin ang pamilya ko, nndiyan ang nanay ko na palagi kong ipinagdarasal na sana’y lumawig pa ang buhay. Ang mga in-laws ko naman ay sobrang babait. Kaya wala akong mai-complain pa sa buhay. I am very happy with everything,” ani Ibyang na sobrang bait naman talaga sa totoong buhay.
Congrats sa natanggap mong bagong parangal. Isa sa pinakamatamis na tagumpay ng isang tao iyan, ang ma-acknowledge ng sarili mong bayan ang maliit na kontribusyon mo sa mundong ito. Naranasan ko na kaya iyan –when I was honored by our town sa Santa Barbara, Iloilo sa larangan ng Arts.
Sarap ng feeling kaya. Ang kulang na lang sa akin ay ang financial success dahil if I get to have this one day, naku, marami rin akong bibigyan ng tulong sa amin. And Sylvia can afford that now – that’s our biggest difference. Ha! Ha! Ha! That’s why I found her life story amazing ang aspirational. Wish you the best, Ibyang! Mwah!
q q q
In some ways, malaking impluwensiya rin ni Ms. Sylvia Sanchez sa buhay ko, lalo na sa pagiging magulang. I saw how she loves and disciplines her kids. I saw how happy they are when they are together.
She always spends quality time with them – galing nga! Kaya ako, hindi man kami nakakalabas ng madalas ng unico hijo kong si Carlo Brian who’s in his 11th grade, I always check on him everyday. Every time he arrives home from school, diretso agad iyan sa room ko para malaman kong he’s home already. Doon na ako nabubuhayan ng loob.
Mahirap din kasi yung hindi mo kapiling ang anak ko the whole day. I always pray that he’s always safe and sound. Iyan kasi ang greatest love ko, ang anak ko. Kaya dasal ko palaging mabigyan ko siya ng magandang buhay until I bid goodbye on earth. He is my source on inspiration.
Sinasabi lang ng ibang mataray daw ako pero ang totoo niyan, napakalambot ng puso ko. It’s a matter of knowing me better.
Wait lang, si Sylvia ang topic, di ba? Bakit napunta sa akin? Kris Aquino, ikaw ba iyan? Joke lang!
Naikuwento ko lang naman dahil marami sa atin ang katulad ni Sylvia – isang dilag na galing sa hirap pero nagsumikap at nakamit ang tagumpay sa buhay, not just financially but she found the real happiness in life. That’s the real essence of life. Tama ba, kafatid na Ervin? (Korak na korak! Alam na this! Hahahaha! – Ed)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.