PBA out-of-town games | Bandera

PBA out-of-town games

Barry Pascua - August 04, 2017 - 11:00 PM

DAHIL sa kaguluhan sa Mindanao kung saan umiiral ngayon ang Martial Law, walang out-of-town games na gaganapin doon sa kasalukuyang

Sa halip ay dalawang bagong venues ang bibisitahin ng Philippine Basketball Association sa conference na ito.

Magsisimula ang lahat mamaya sa Calasiao, Pangasinan kung saan maghaharap ang NLEX Road Warriors at Barangay Ginebra Gin Kings.

Ang isa pang bagong destinasyon na pupuntahan ng PBA ay sa Sta. Rosa, Laguna kung saan magpapang-abot ang Star at Meralco sa Setyembre 9.

Ang dalawang iba pang out-of-town games ay gaganapin sa Hoops Dome sa Cebu kung saan maghaharap ang Barangay Ginebra at Alaska Milk sa Agosto 26, Angeles City kung saan magtutuos ang San Miguel Beer at Alaska Milk sa Setyembre 2.

So, tatlo sa apat na out-of-town games ay sa Luzon mangyayari.

Sa totoo lang, matagal na rin namang hindi nabibisita ng PBA ang mga siyudad sa Luzon liban sa Lucena at Angeles at puro Visayas at Mindanao na nga lang ang dinadayo, e.

Ito ay hindi tulad noong kabataan ko na nalibot ko yata ang Luzon mula Ilocos, Baguio, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga at Cagayan.

Katunayan, naaalala ko pa na dalawang beses akong nakapunta sa Boracay dahil sa ang mga games ay ginanap sa Kalibo, Aklan noong si Corazon Cabagnot pa ang governor ng lalawigan. Hindi ko nga alam kung kamag-anak ni Alex Cabagnot si Gov. Cabagnot?

Pero dahil sa pupunta doon ang mga teams dalawang araw bago ang nakatakdang game ay engrande bakasyon kami ng pagtampisaw sa Boracay to the max. Libre pa ang mga pulutan na padala ni Gov. Cabagnot. This is the life! Ika nga.

Ang heydays ng coverage ay noong panahon ni Commissioner Emilio Bernardino, Jr. at Atty. Butch Cleofe.

Sa Nueva Ecija naman ay doon sa Pamantasan ng Araullo Centrum ang venue at siyempre a day before at after the game ay sa Parilla ang puntahan kung saan eat to death ang batutay o longganisang atay.

Sa Pampanga ay sa Gov. Bren Z. Guiao ang venue at hindi sa eskwelahan. Hindi ko na alam king ano na ang nangyari sa sports complex na iyon? At pagkatapos ng laro ay tuloy na sa tahanan ng aking kaklase sa Mapua na si Aurelio ‘Dong’ Gonzales na maghahanda ng piging. Ngayon ay congressman na si Dong.
Sa Bataan ay natikman naman namin ang ‘spabok’ o spaghetti na palabok sa labas ng venue.

Sa Baguio City ay maliit nga ang venue subalit very friendly ang mga fans. At may boat ride pa sa Burnham Park pagkatapos.

Sa Pangasinan ay kung ilang beses na rin naman ginawa ang out-of-town games sa Urdaneta at Dagupan at siyempre masarap ang bangus sa beer pagkatapos.

Sa Cagayan ay nakasakay pa ako ng Fokker plane tungo sa Tuguegarao para kumober ng laro. What an experience!

At siyempre, ang masarap ay ang laging turan ni Atty. Butch na, “Itabi na ninyo ang mga allowance nyo at iuwi sa misis ninyo. Lalo kayong mamahalin nun. Bahala ang PBA mula almusal hanggang inuman magdamag!”

Sarap! Nakaka-miss kayo Atty. Otsbu at Comm. Ibok!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hay when we were young, we sure did a lot of crazy things! At hindi na iyon babalik ulit.
Kaya naawa ako sa mga batang sportswriters na kumokober ng PBA e. Hindi na nila natitikman ang sarap ng out-of-town coverages.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending