Maegan Aguilar mas kinampihan ng LTFRB kesa sa taxi driver
A METER or so away from the stairway sa fire exit sa second floor ng Reliance Bldg of TV5, isang boses ng babae below average ang height at medyo tabain ang naririnig naming may kausap sa kanyang cellphone.
May kalakasan ang kanyang boses, wari’y nagbibigay ng instructions to the person on the other end of the line. It must be an urgent call that she made, a matter of life and death.
Huwebes ‘yon ng hapon, pasok sa oras ng programang “Wanted Sa Radyo” nina Raffy Tulfo at Nina Taduran.
It turned out that the woman, na nagngangalang Rosalinda Gigante, is a taxi operator. Naroon siya sa himpilan ng Radyo 5 kasama ang kanyang driver, si Vinet Alforque, who works for her Nimble Taxi.
The showbiz link here is that Gigante and Alforque were both complainants and respondents sa reklamo ni Maegan Aguilar, anak ni Ka Freddie.
Earlier, “Wanted” staffer Carol was aking for Megan’s contact number kung meron kami. In the name of fair reporting, nais kunin ng programa ang panig nito.
Linggo nang parahin at sakyan daw ni Megan ang minamanehong taxi ni Vinet somewhere in Cubao, she asked to be brought to Pasig. Nang maihatid na sa destinasyon, naiwan naman daw ni Megan ang kanyang gitara sa tabi ng driver’s seat, kabilang din ang isang tasa at ilang personal belongings.
Nakababa na sa taxi si Megan (na hindi nito namukhaan) nang mapansin ng driver that she had left her stuff behind. Pero agad nang itinimbre ni Vinet sa kanilang opisina na kung may maghahanap ng mga naturang gamit ay nasa kanya lang ‘yon. Nagkataon lang na may kasunod nang pasahero, but he’d turn over the stuff immediately after.
In no time were the stuff brought to the operator’s office for Megan to pick them up. Nauna kasing inireport ni Megan ang insidente sa LTFRB.
The SOP is that since nasa tanggapan na naman ng operator ang lahat ng mga naiwang gamit ay du’n na lang ‘yon kunin ni Maegan. Pero iba raw ang gustong mangyari ng burarang singer, she wanted all her stuff delivered to her personally.
Ang mas matindi pa, Maegan had accused Vinet of theft. Ninakaw daw ng driver ang kanyang mga gamit.
For sure, ito rin ang kanyang pinanindigang bersiyon sa LTFRB kung kaya’t taliwas man sa prosesong dapat pairalin ng naturang ahensiya’y inatasan ng isang nagngangalang Joel Bolano sina Alforque at Gigante na magtungo sa kanilang opisina.
Direktiba raw ‘yon mula sa chairman ng LTFRB na sinusunod lang ni Bolano.
q q q
As if her unjust accusation wasn’t enough, Maegan had taken to her social media account (her Facebook name is Phoebe Dee) her complaint against the driver na binantaan pa niyang idedemanda. Panay pa raw kasi ang pagpapainterbyu ni Vinet sa GMA at sa “Wanted” (she called Raffy Tulfo, Raffy Tulpeh).
Dahil sinusundan ng “Cristy Ferminute” ang “Wanted” ay hindi maiwasang mabwisit, magalit at makapagmura sa ere ni Kuya Raffy. This mix of emotions ay patungkol sa LTFRB which is apparently selective in dispensing justice just because ang taong sangkot ay kilala, si Megan nga.
Worse, this agency mandated to perform its functions is remiss sa maraming pagkakataon, pero umiikot ang tumbong sa reklamo ng isang kung tutuusi’y da who na si Megan Aguilar who has made herself infamous in fact?
Ano ba sa akala ng LTFRB ang hilatsa meron ang isang Maegan Aguilar who actually never made it in local music? Apelyido lang ng iconic niyang ama ang dala-dala niya, si Ka Freddie na nakuha niyang lapstanganin noon dahil hindi nito matanggap na nagpakasal sa isang batang Mindorense girl.
Si Maegan “da who” Aguilar who crawled her way back into the arms of her father she had cursed, may paiyak-iyak pa noon sa TV nang kunan ng Startalk ang reunion ng mag-ama.
Si Maegan “singer-let” Aguilar na ilang panahong walang makain na kulang na lang damputin mula sa kangkungan.
Si Maegan “feeling sikat” Aguilar na mas kinampihan pa ng LTFRB na dapat magkaroon ng balasahan sa loob mismo ng ahensiya!
Ano ‘ika mo, Tita Cristy, may sobreng iniwan ang LTFRB at si Maegan sa lobby ng Reliance Bldg? Kanila na lang ‘yon, sorry, hindi ko pa nga nalilimas ang mga basura sa bahay, magdadagdag pa ‘ko?!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.