Susuwertehin na ba sa ikalawang pag-aabrod?
Sulat mula kay Dianne ng San Isidro, Matalom, Leyte
Problema:
1. Dati na akong nakapag-abroad sa Kuwait at nakaipon naman kahit na paano ng konting halaga. Kaya lang dahil ako lang ang inaasahan sa amin at halos walang may trabaho sa mga kapatid ko, wala pang isang taon naubos na ang ipon ko at na isanla ko pa ang lupa at bahay na dating nabili ko.
2. Sa ngayon ay masasabi ko pong walang-wala na talaga ako, kaya naisipin kong sumangguni sa inyo upang itanong kung may ikalawang paga-abroad ba sa aking kapalaran? At kung mayroon, kailan kaya ito mangyayari at magiging produktibo naman kaya ang paga-abroad na ito? August 31, 1986.
Umaasa,
Dianne ng Matalom, Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus ang tutulong sa iyo at sa bandang huli, lihim mo rin siyang makakarelasyon.
Numerology:
Ang birth date mong 31 ay nagsasabing lagi ng magkahalong tagumpay at kabiguan ang iyong kapalaran, pero sa kasalukuyan mong edad na 31 pataas, puro tagumpay na lang ang itatala na nangangahulugang sa nasabing panahon hindi na mapipigilan ang iyong pag-unlad hanggang sa tuluyang yumaman at maging maligaya.
Luscher Color Test:
Mapalad ka sa kulay na berde at dilaw. Isuot at gamitin mong lagi ang nasabing kulay. Sa ganyang paraan, anuman ang naisin mo sa buhay, madali na itong mapapa sa iyo.
Huling payo at paalala:
Dianne, ayon sa iyong kapalaran, ang ituloy mo lang ang pag-aaplay kung nag-aaplay ka sa ngayon patungong abroad, dahil tiyak na ang magaganap. Tulad nang nasabi na sa Cartomancy, sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Setyembre sa tulong ng isang lalaking mayaman, na makakarelasyon mo rin ito, sa edad mong 31 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.