Blatche out na sa Gilas sa FIBA Asia Cup? | Bandera

Blatche out na sa Gilas sa FIBA Asia Cup?

Melvin Sarangay - , July 25, 2017 - 12:05 AM

MAGSUSUMITE na ngayon si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes ng 12-man roster sa FIBA Asia subalit ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay nagkukumahog pa rin na makumbinsi si Andray Blatche na pumirma dahil ang dating NBA player ay nagdadalawang-isip kung sasama sa koponan sa 2017 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Agosto 8-20 sa Lebanon.

Sinabi ng dalawang magkaibang source sa Inquirer na si Blatche ay wala pang balak sumama sa koponan kahit may dalawang linggo na lamang ang nalalabi bago lumahok ang Pilipinas na isasabak ang pinakamahuhusay na PBA players para mapanalunan ang Asian Championship.

Hindi pa kasi mapapirma ng SBP si Blatche na humihingi ng malaking pera para muling maglaro para sa bansa.

Si Blatche ang nagsilbing naturalized player ng Gilas Pilipinas magmula pa noong 2014 FIBA World Cup sa Spain kung saan tinulungan nito ang mga Pinoy cagers na mapanalunan ang unang laro – ang overtime panalo kontra Senegal – sa classification phase matapos ang mahigit 40 taon.

Hanggang ngayong umaga na lamang ang deadline para sa SBP upang makumbinsi si Blatche bago tuluyang isumite ni Reyes ang final lineup at kung hindi ay malamang na si Christian Standhardinger ang ipalit nito sa dating player ng Brooklyn Nets sa NBA.

Kung sakaling kunin ang 6-foot-8 na si Standhardinger mapapasabak ito sa dalawang event sa loob ng dalawang linggo dahil nakatoka rin itong maglaro sa 29th Southeast Asian Games.

Isa rin umano sa dahilan kung bakit nagdadalawang-isip si Blatche na sumama ay ang peace and order situation sa Beirut, ang kabisera ng Lebanon, kung saan gaganapin ang mga laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending