True ba, Jessy natsugi sa Banana Sundae dahil kay Ritz Azul?
WALA pa ring ideya si Ritz Azul kung kailan eere ang serye nila ni Paulo Avelino na Promise Of Forever na ilang taon na ring sinu-shoot.
Nakita namin si Ritz sa “Kita Kita” celebrity screening sa Trinoma Cinema 7 at nabanggit nga niya na matagal nang tapos ang Promise Of Forever.
Aniya, “Buo na po, naka-can na siya. Hindi ko lang alam kung eere na at magte-taping pa kami or what baka may pagbabago.”
Tanda namin ay sa Europe pa kinunan iyon last May 2016, at ang alam din ni Ritz ay hindi ito sa primetime maipapalabas kundi sa Kapamilya Gold. Tinanong namin kung itong Promise of Forever ang papalit sa The Better Half nina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC de Vera at Denise Laurel.
“‘Yun po ang balita ko, sa hapon daw hindi sa gabi,” saad ng dalaga.
Samantala, maski walang regular seryeng umeere si Ritz ay nagpapasalamat pa rin siya sa ABS-CBN dahil may mga TV guesting siya tulad sa Ipaglaban Mo at regular guest daw siya sa Banana Sundae.
Tinanong namin kung siya na ang kapalit ni Jessy Mendiola na umalis na sa gag show, “Ay hindi naman po yata, kasi nagkaabot pa kami ni Jessy,” kuwento ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.