Rocco ‘tinakam’ ang fans sa ipinost na video | Bandera

Rocco ‘tinakam’ ang fans sa ipinost na video

|July 20,2017
facebook
share this

Rocco ‘tinakam’ ang fans sa ipinost na video

- July 20, 2017 - 12:30 AM

MARAMI na namang pinakilig ang Kapuso actor na si Rocco Nacino nang mag-post ito ng video habang tumutugtog ng drums sa kanyang Instagram account.

Tuwang-tuwa ang kanyang mga fans sa kanilang napanood at nag-request pa ng ibang mga kanta na pwede niyang i-cover. May mga nagtanong din kung anong kanta ang gusto niyang i-dedicate para sa kanyang leading lady sa seryeng Haplos na si Sanya Lopez.

Pero nabitin ang mga fans sa napanood nilang video, kaya naman ipinost din ni Rocco ang buong version nito sa kanyang Facebook page na umani rin ng sandamakmak na likes at comments.

Samantala, nagsisimula nang makaramdam ng kakaiba si Sanya bilang si Angela sa afternoon serye ng GMA na Haplos. Mukhang malapit na niyang matuklasan ang kapangyarihang kanyang minana sa kanyang Lola Biring (Celia Rodriguez).

Paano makakaapekto sa kanyang buhay ang matutuklasang kapangyarihan? At paano nito malalabanan ang kasamaan sa kanyang kapaligiran, lalo na kapag nagkrus na ang landas nila ng kanyang half-sister na magiging mortal niyang kaaway na ginagampanan ng napakagaling na Kapuso kontrabida na si Thea Tolentino.

Tumutok lang sa Haplos tuwing hapon sa Afternoon Prime ng GMA 7.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending