Pusong Ligaw nakakatensyon sa hapon | Bandera

Pusong Ligaw nakakatensyon sa hapon

- July 18, 2017 - 12:10 AM

 

Patindi na nang patindi ang mga eksena sa nangungunang afternoon serye ng ABS-CBN na Pusong Ligaw.

Nagsimula nang bugbugin ni Jaime (Raymond Bagatsing) si Tessa (Beauty Gonzales) dahil sa matinding selos kay Caloy (Joem Bascon).

Nakakatensyon ang mga huling eksena nina Raymond at Beauty, talagang walang awa niyang sinaktan ang asawa with matching pagbabanta pa. Marami na namang pinabilib si Beauty sa ipinakita niyang akting sa Pusong Ligaw kahapon, lalo na sa mainit at madugong confrontation scene nila ni Raymond.

Pero siyempre, magpapatalbog ba si Bianca King sa kanya na gumaganap bilang si Marga, ang palaban ding ina ni Vida (Sofia Andres) at partner ni Joem bilang si Caloy.

Sa huling episode, ramdam na ramdam ni Marga na may feelings pa rin sina Tessa at Caloy sa isa’t isa kaya siguradong hindi na naman siya matatahimik sa kaiisip tungkol sa dating magkarelasyon.

Waging-wagi rin ang mga nakaraang eksena nina Sofia, Diego Loyzaga (Potpot) at Enzo Pineda (Rafa), lalo na ‘yung nahulog aksidenteng kinasangkutan nila. Painit na rin nang painit ang love triangle nila.

Kaya huwag na huwag nang bibitiw sa Pusong Ligaw tuwing hapon after It’s Showtime.

q q q

Inilunsad na ng ABS-CBN ang “Kapamilya, Thank You,” ang pinakabago nitong customer loyalty program para sa mga Pilipino na tumatangkilik ng iba’t ibang produkto at serbisyo ng Kapamilya network.

Makakakuha ng points na magagamit para makatanggap ng rewards ang bawat member ng “Kapamilya, Thank You” tulad ng meet and greet with a Kapamilya star, tickets sa ABS-CBN Studio Tours at shows katulad ng ASAP at It’s Showtime, freebies mula sa ABS-CBN Store, libreng access sa KBO ng ABS-CBN TVplus at SKY Pay-Per-View, at libreng SMS, data, o calls gamit ang ABS-CBNmobile.

Para maging member, kailangan lang mag-register for free sa thankyou.abs-cbn.com at i-enroll ang mga produkto at serbisyo ng ABS-CBN at Sky Cable kung saan subscriber ka.

Pagkatapos mag-register, pwede nang makakuha ng Thank You Points sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng panonood ng Kapamilya shows on TV o iWant TV, pag-enter ng hashtag of the day, pagbabayad ng Sky Cable bill, pag-reregister sa ABS-CBN TVplus KBO, at paglo-load sa ABS-CBNmobile SIM.

Kapag nakaipon na ng Thank You Points, pwede na itong gamitin para makatanggap ng gifts at iba pang rewards na mapagpipilian sa website (thankyou.abs-cbn.com) tulad ng libreng tickets sa Kapamilya shows. Pwede ring i-donate ang naipong Thank You Points sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya.

Samantala, para sa mga Kapamilyang meron ng accounts sa kahit anong ABS-CBN website tulad ng iWant TV, pwedeng gamitin ang registered email at password para mag-sign up sa “Kapamilya, Thank You.” Valid ang membership sa “Kapamilya, Thank You” kapag active ang paggamit nito sa loob ng anim na buwan.

Ang ABS-CBN din na ngayon ay nagtra-transition na maging digital company ang unang TV network na naglunsad ng rewards program para sa kanilang loyal customers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa thankyou.abs-cbn.com.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending