Naaagnas na mga katawan narekober sa Marawi City | Bandera

Naaagnas na mga katawan narekober sa Marawi City

|July 13,2017
facebook
share this

Naaagnas na mga katawan narekober sa Marawi City

- July 13, 2017 - 04:14 PM

NAREKOBER ang mga naaagnas na katawan ng mga sibilyan na pinaniniwalaang pinatay ng teroristang grupong Maute sa Marawi City, ayon sa militar.

Apat hanggang anim na sibilyan na nakasuot ng orange ng t-shirt ang natagpuan ng mga tropa mula sa 51st Infantry Battalion ng Philippine Army kamakalawa ng umaga, ayon kay Joint Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera.
Idinagdag ni Herrera na pinaniniwalaang pinatay ang mga biktima sa unang bahagi pa lamang ng krisis base sa video na inilabas ng teroristang grupo sa social media.
Samantala, umabot na sa 92 tropa ng gobyerno ang napatay matapos namang umabot na sa ika-52 araw ang bakbakan kahapon.
Sinabi pa ni Herrera na 45 sibilyan na ang nasawi, samantalang 392 terorista ang napapatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending