San Beda, Arellano wagi sa NCAA Season 93 men's basketball opener | Bandera

San Beda, Arellano wagi sa NCAA Season 93 men’s basketball opener

Angelito Oredo - July 08, 2017 - 10:02 PM

INIHULOG ni Clint Doliguez ang kanyang kabuuang anim na puntos sa ikaapat na yugto upang pag-initin at buhayin ang dugo ng nagtatanggol na kampeong San Beda Red Lions tungo sa come-from-behind na 76-67 panalo kontra season host San Sebastian Golden Stags sa pagsisimula Sabado ng NCAA Season 93 men’s basketball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Itinuwid ni Doliguez, na humugot din ng dalawang rebounds, dalawang steals at isang block, ang tila hirap na paglalaro ng Red Lions sa ikaapat na yugto kung saan naghabol ito sa 50-51 sa pagsisimula at pinakahuli sa 58-59 pagkakaiwan bago na lamang umatungal ang mga inaasahan na sina Davon Potts, Robert Bolick at JB Bahio.

“It is so good we were able to recover and we stepped up as a team in the 4th period,” nasabi lamang ng nagbalik na si San Beda coach Boyet Fernandez. “I expect this to happen because other teams are looking at us, that is why I also keep on telling the players to always play beyond their best,” sabi ni Fernandez.

Isang tres ni Davon Potts ang nagtulak muli sa Red Lions sa pagkapit sa 62-59 abante bago na lamang ito itinabla ni Michael Calisaan ng Stags sa kanyang split free throw, may apat na minuto pa sa laro.

Dito naghulog ang Red Lions ng 9-0 bomba upang itala ang 71-62 abante bago ibinigay ni Potts sa kanyang isang tres ang pinakamalaki nitong abante sa 74-64 mula sa 12-3 run upang tuluyang ibulsa ang panalo.

“It is an early wake-up call for us,” sabi pa ni Fernandez. “We learned today that we had to step up every game. We still had so much work to do based on this game. We had a total of 25 turnovers as compared to 15 only of our rival although we limited them to 16 points in the fourth while we have 26 that gave us the W,” sabi ni Fernandez.

Nakisalo sa liderato ang Arellano University Chiefs matapos nitong biguin ang nakaharap na Mapua Institute of Technology Cardinals, 91-82, sa ikalawang laro.

Sinandigan ng pumangalawa nakaraang taon na Chiefs ang mainit na paglalaro ni Kent Salado na nagtala ng 24 puntos, pitong rebounds at apat na assists upang ibigay sa Arellano ang unang panalo sa muling pagsisimula ng pinakamatandang liga ng mga unibersidad sa bansa.

“So sweet, ang sarap manalo sa opening game dahil bagong players, bagong team,” nasabi lamang ni Arellano coach Jerry Codiñera.

Lubhang naging mahigpitan ang laban kung saan nagtala ng pitong deadlock at 15 lead changes sa pagitan ng dalawang koponan bago na lamang nakawala ang Chiefs sa natitirang walong minuto.

Isang tres ni Zach Nicholls ang pumunit sa 73-all na pagtatabla at nagtulak sa 76-73 abante ng Chiefs na sinandigan ng koponan upang ihulog ang 15-6 bomba patungo sa huling segundo at ipatikim sa Cardinals ang kabiguan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtala rin si Salado ng walong rebounds, apat na assists at apat na steals.

Samantala, pinarangalan naman ng liga sa bansa ang mga manlalaro na nagbigay kulay sa mga nakalipas nitong edisyon sa pangunguna nina Vergel Meneses at Philip Cezar para sa JRU, Raymund Almazan at Kerby Raymundo para sa Letran, Chito Victolero at Fortunato Co Jr. sa Mapua, James Tan Sy ng SBC, Nard John Pinto at Jiovanni Jalalon sa Arellano, Sunday Salvacion at Jonathan Grey ng College of St. Benilde, Gary David at DJ Jhaiho ng LPU, Christ Fernan Mejos at Ariel Mora Sison ng EAC, Dr. Karl Mercader at Rosendo Dial ng Perpetual Help at sina Rommel Adducul, Edgar Macaraya at Dr. Alfonso Mora.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending