Nangangarap magkaroon ng tindahan (2) | Bandera

Nangangarap magkaroon ng tindahan (2)

Joseph Greenfield - June 28, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Janice ng Cabcaben, Mariveles, Bataan
Problema:
1. Mahirap lang ang pamilya namin. Ako na panganay at second year high school lang ang natapos ay namasukang katulong. Nagsisikap akong makaipon dahil pangarap kong magkaroon kami ng tindahan. Bale lima kaming magkakapatid at ang tatay at nanay ko naman ay mahina lang ang kinikita sa pagtatrabaho sa bukid.
2. Gusto ko lang malaman kung matutupad ang pangarap kong magkaroon ng tindahan para dito kukunin ng mga magulang ko at kapatid ko ang pang-araw-araw nilang gastusin at pangangailangan. Matutupad kaya ang pangarap kong ito at ano ang mga masuwerte kong numero na puwede kong tayaan sa lotto? November 13, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Janice ng Bataan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2) ang nagsasabing mapalad ka sa panahong umuulan, lalo na sa Hunyo hanggang Hulyo at ganoon din sa Oktubre hanggang Nobyembre. Sa mga panahong nabanggit ka dapat na tumaya sa lotto at makipagsapalaran.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing bigla ang dating ng suwerte sa iyong kapalaran, lalo na sa mga petsang 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29, 1, 10, 19 at 28. Sa mga nasabing petsa ka makipagsapalaran upang makamit ang magandang kapalaran.
Luscher Color Test:
Bukod sa nasabing mga buwan at petsa, mapalad ka rin sa kulay na berde, dilaw at pula. Sa mga kulay na nabanggit, mas mabilis kang susuwertehin, makapagtatayo ng tindahan hanggang sa lalo pang umunlad ang inyong buhay.
Huling payo at paalala:
Janice, ayon sa iyong kapalaran, tugma sa iyo ang pagtatayo ng tindahan na siyang pinapangarap mo. Pero bago iyon, ang nakatakda muna ang matutupad. Sa panahon ng tag-ulan, malaking halaga ang tatamaan mo sa isang number games, at dahil sa panalong ito ay kusa mo na ring matutupad ang pangarap mong makapagnegosyo ng tindahan para sa inyong pamilya. Nakatakdang mangyari at maganap ito ngayon taon, sa buwan ng Hunyo hanggang Oktubre, sa edad mong 25 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending