Bianca, Beauty instant BFF dahil sa Pusong Ligaw; favorite ng mga nanay
PATULOY na nagrereyna sa hapon sina Bianca King, Beauty Gonzales at Sofia Andres dahil sa tuluy-tuloy na tagumpay ng kanilang seryeng Pusong Ligaw sa ABS-CBN.
Bukod dito, lagi ring trending ang mga episode ng Pusong Ligaw sa social media lalo na ang mga nakakalokang confrontation scene nina Tessa (Beauty) at Marga (Bianca), pati na ang nakakakilig na love story nina Pot (Diego Loyzaga) at Vida (Sofia).
In fairness, kahit ang mga kalalakihan ay tumututok din pala sa Pusong Ligaw. May binisita kasi kaming opisina kamakailan at doon namin napatunayan na hindi lang mga girls at mga tagasuporta ng tambalang Sofia at Diego ang adik na adik sa serye, pati pala mga barako ay sumusubaybay sa kuwento ng PL.
Kapag narinig na nila ang kantang “Ikaw pa rin…ang hanap ng pusong ligaw…” maglalapitan na sila sa TV at kanya-kanya ng puwesto para walang mapalampas na eksena sa Pusong Ligaw. Kaloka, di ba? Ganyan na katindi ang epekto ng serye sa madlang pipol.
Sabi nga ng isang nanay na kakilala nami na palaging nakatutok sa Pusong Ligaw, “Basta pagkakain ng lunch, uupo na kami ng kumare ko sa sala, waiting na kami sa Pusong Ligaw. Gustung-gusto ko sina Beauty at Bianca. Parang naaalala ko ang intense ng akting noon nina Jean Garcia at Eula Valdez sa Pangako Sa ‘Yo noon.”
Speaking of Beauty and Bianca, kung mortal na magkaaway ang drama nila sa serye, BFF naman ang peg nila in real life. Imagine, sa maikling panahon ng pagsasama nila sa trabaho naging instant best friends agad sila.
Sa huling panayam nga namin kay Bianca sinabi niya na madali silang naging kumportable ni Beauty sa isa’t isa, “Yes, we became very close, it was part of the preperation that I did for the show. I love her.
And she loves to travel as well. So we just did our first trip recently.”
Sa isang interview naman, pu-ring-puri ni Bianca ang working atmosphere sa ABS-CBN, “I must admit, napakahirap noong umpisa, kakaiba silang gumawa ng teleserye.
“Natatandaan ko, pinagawa sa akin yung mga eksena ko sa pilot week over and over again, until they got the right timpla of emotions and luha and voice and everything.
“Ganu’n pala talaga silang magtrabaho. And I’m so happy to grow as a performer here. When I got the groove, it started to not feel like work again, kaya sabi ko talagang kailangan kong pagbutihan every taping kasi nakakahiyang magkamali,” sey pa ni Bianca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.