Vice nagreklamo sa pagbabayad ng milyun-milyon sa BIR | Bandera

Vice nagreklamo sa pagbabayad ng milyun-milyon sa BIR

Cristy Fermin - June 23, 2017 - 12:30 AM

VICE GANDA

ISANDAANG porsiyentong may katwiran si Vice Ganda sa paghahanap-pagtatanong kung saan napupunta ang milyun-milyong pisong ibinabayad niya sa BIR.

Milyunan kung magbayad ng buwis ang sikat na komedyante-TV host, tumutupad siya sa itinatalaga ng batas, pero may mga pagkakataong naiinis siya dahil sa sobrang tindi ng trapik sa ating bayan.

Ang sabi kasi, ang ibinabayad daw natin sa buwis ay pondong ginagamit sa mga baradong kanal, pati sa mga kalyeng butas-butas na malaking abala at problema sa mga motorista at mananakay.

Pero ano’ng madalas nating maranasan? Umihi lang ang palaka ay laganap na ang baha, napakaraming kalyeng sira-sira, napakatindi ng trapik lalo na sa EDSA kaya tinatawag ng mga banyaga ang Pilipinas bilang “traffic capital of the world.”

Nakakainip na ang biyahe ay mabubuwisit ka pa dahil sa kaiiwas sa mga abalang kalye na akala mo buwan sa dami ng butas. Malaking aberya ‘yun sa trapik.

Kaya tama lang ang mga inilabas na emosyon ni Vice Ganda tungkol sa sobrang higpit ng trapik ngayon.

Napakatagal na biyahe, ganu’n pa rin kaliit ang mga lansangan, pero dagdag nang dagdag ang mga sasakyan.

Nakatulog ka na, nanaginip ka na, pero ni hindi pa pala nakauusad nang malayo ang kotse mo.

Ang panaginip ay nagiging bangungot dahil sa sobrang tindi ng trapik.

Parang mistulang malaking parking lot ang EDSA. Hindi ka lang magugutom kundi magkakaroon ka pa ng problema sa UTI dahil sa pagpipigl ng ihi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending