SINABI ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na nagmula ang kanyang pagmamahal sa bansa at handang ialay ang kanyang buhay para sa mga Pinoy dahil ninuno niya ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Si dela Rosa ang panauhing pandangal para sa paggunita ng ika-156 anibersaryo ng kaarawan ni Rizal na ginawa sa Calamba, Laguna kaninang umaga.
“Kung magresearch ka makita niyo sa kanilang family tree, sa mother side isa sa mga lola niya Ines dela Rosa kaya yun ang kina-capitalize ko na kineclaim ko na descendant ako ni Jose Rizal,” sabi ni dela Rosa.
Idinagdag ni dela Rosa na pinagmamalaki naman si Rizal ng lahat Filipino.
“Lalung-lalo na nagkataon na descendant siya ng isang Dela Rosa kaya kineclaim ko na rin na relative ko siya. I’m very proud of that. Pinagmamayabang ko ‘yan,” ayon pa kay dela Rosa.
Sinabi pa ni dela Rosa na nadiskubre niya ang kanyang koneksyon kay Rizal nang sumama sa field trip noong high school sa Dapitan.
“Alam ko ito noong high school ako, nagkaroon kami ng field trip doon sa Dapitan, Zamboanga del Norte. Nakita ko sa bahay ni Rizal, sa records doon na merong family tree doon na may Ines dela Rosa,” sabi ni dela Rosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending