Tanong ng madlang pipol; tumulong na ba si Robin sa mga biktima ng giyera sa Marawi? | Bandera

Tanong ng madlang pipol; tumulong na ba si Robin sa mga biktima ng giyera sa Marawi?

Ambet Nabus - June 15, 2017 - 12:10 AM

WHETHER we like it or not, mas dadami pa ang mga netizen na OA na sa pakikialam sa personal na buhay ng mga celebrities.

Ang recent victim nga ay si KC Concepcion na tinawag ng kung anu-ano nang mai-post sa kanyang social media account ang planong pagbili ng bagong kotse at paglipat ng bagong tirahan.

Para raw kasi sa mga netizen na sumusuporta sa aktres-TV host, nakilala lang nila si KC dahil sa pagiging Ambassador ng UN World Food Program, na ginagamit din ang social media para ipaalam at isulong ang mga makatuturang gawain nito.

Sa gitna raw kasi ng kahirapan at gulo ngayon sa Marawi, eh parang mali ang timing ni KC sa pagbandera ng kanyang mga plano para sa mga pampersonal na kaligayahan.

May nagkomento pa na tila taliwas ito sa naging anunsyo ng kanyang nanay na si Sharon Cuneta tungkol sa financial status nito.
Maganda man ang punto ng netizens, hindi naman nila dapat na kuwestyunin ang kakayahan ni KC na gawin at bilhin ang anumang gusto niya.
Siguro nga ay mali lang ang timing ni KC dahil mataas ang expectation sa kanya ng mga tao pagdating sa pagtulong.

q q q
Kaya nga nakatuon din ngayon ang mga mata ng marami kay Robin Padilla na gaya ni Angel Locsin ay very consistent din sa pagbibigay ng ayuda sa mga taong nabibiktima ng trahedya at sakuna.

Ever since ay laging ginagawa ni Robin ang tumulong at sa pagkakataong napag-uusapan ang ginawang pagpunta ni Angel sa Mindanao, tila nagtataka ang marami kung bakit tahimik ngayon ang kampo ni Binoe. Bakit daw walang balita kung may naitulong na ito sa mga refugees sa Marawi lalo pa’t may mga kapatid din tayong Muslim na naiipit sa kaguluhan doon.

Ganyan ang mga Pinoy na mapaghanap at laging may baong panlalalit. Para bang may utang sa kanila ang mga sikat nating mga artista na kapag hindi nagawa ang mga inaasahan nila ay parang napakasama na nilang mga nilalang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending