Ampatuan naghain ng not guilty plea | Bandera

Ampatuan naghain ng not guilty plea

Leifbilly Begas - June 13, 2017 - 03:23 PM
Naghain ng not guilty plea si dating Maguindanao Gov. Datu Sajid Ampatuan sa 36 kasong kriminal na isinampa sa kanya sa Sandiganbayan Fifth Division.       Ang kaso ni Ampatuan ay kaugnay ng maanomalya umanong pagbili ng pagkain sa Henry Merchandising na nagkakahalaga ng P16.317 milyon noong Pebrero hanggang Setyembre 2009.       Siya ay sinampahan ng kasong graft, malversation of public fund at 34 kaso ng falsification of public documents.       Pineke umano ang mga dokumento para palabasin na totoo ang kontrata.       Hindi naman natuloy ang pagbasa ng sakdal kay Ampatuan sa Sandiganbayan Sith Division sa 145 kasong kriminal kaugnay ng P72.26 milyong pondo na ginamit umano para ayusin ang mga paaralan at pagbili ng mga kahoy sa isang kompanya na hindi umano totoo.     Hindi pa kasi nareresolba ng korte ang mosyon na inihain ni Ampatuan upang kuwestyunin ang reklamong isinampa ng Ombudsman.       Itinakda ang arraignment sa Setyembre 4.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending