Jackie nabuntis daw ni Ion: Adik kayo? Kadiri mga isyu n'yo!

Jackie nabuntis daw ni Ion: Adik kayo? Kadiri mga isyu n’yo!

Ervin Santiago - October 06, 2024 - 02:48 PM

Jackie nabuntis daw ni Ion: Adik kayo? Kadiri mga isyu n'yo!

Ion Perez, Jackie Gonzaga at Vice Ganda

KUMAKALAT ngayon sa social media ang chikang buntis daw ang “It’s Showtime” host at dancer na si Jackie Gonzaga.

At ang nakakaloka pa, ang itinuturong tatay daw ng ipinagdadalang-tao ni Jackie ay ang kasamahan niya sa “It’s Showtime” at asawa ni Vice Ganda na si Ion Perez.

Baka Bet Mo: Darla bugbog sa mga taong galit na galit kay Toni: Kadiri naman yan!

Sa kanyang TikTok livestream, shookt nang bonggang-bongga si Jackie sa ibinatong mga tanong ng mga netizens kabilang na ang tsismis tungkol sa kanyang pagbubuntis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jackie Gonzaga (@jackiegirlg)


“Ano’ng isyu?” ang balik-tanong ni Jackie sa mga nanonood sa kanyang TikTok live. Sinagot naman siya ng netizens at sinabing may konek nga ito sa umano’y pagdadalang-tao niya.

Sey ni Jackie, “Si Kuya Ion? Ano’ng truth?! Kung ano-ano pinag-iisyu n’yo.”

Bwelta pa niya sa mga nagpapakalat ng fake news, “Adik ba kayo? Tigilan n’yo bisyo n’yo, ah.

“At saka ‘yung mga trolls din naman, anu-ano pinag… for the views kasi. Siguro kumikita sila doon so, wala doon sila kikita. Ganoon talaga, grind nila iyon. Issue nila iyon. Bahala sila doon,” paliwanag pa ni Ate Girl.

Sabi pa niya sa mga sa mga taong naniniwala agad sa mga nababasa at napapanood nila sa social media, “Kadiri mga issue n’yo. Kadiri mga tao naniniwala sa fake news!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ion Valdez (@pereziion27)


Kasunod nito, binigyan din niya ng warning ang lahat ng gumagawa at nagpo-post ng fake news sa socmed para lang magkaroon ng content at kumita mula sa paninira ng kanilang kapwa.

“Congrats naman sa lahat ng mga hindi naniniwala sa fake news at nakakapag-isip kayo nang maayos,” pa-shoutout naman ni Jackie sa mga netizens na nagkomento sa kanyang TikTok live.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang asawa ni Ion na si Vice ang talent manager ni Jackie at in fairness, mukhang hindi naman gagawa si Ate Girl at Ion ng milagro na siguradong ikasisira ng relasyon nila sa Phenomenal Box-office Star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending