P10M nasungkit sa Cavite | Bandera

P10M nasungkit sa Cavite

Leifbilly Begas - June 11, 2017 - 03:39 PM
Isang mananaya sa Cavite ang nanalo ng P10 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42.     Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa winning number combination na 23-42-02-06-13-19.     Ang nanalo ay tumaya sa Gen. Emilio Aguinaldo. Siya ang imili ng anim na numero na lumabas sa bola.     Umabot sa P13.3 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola. Sa bawat P1 itinataya sa lotto 55 sentimos ang napupunta sa Prize Fund, 30 sa Charity Fund at ang nalalabi sa gastusin sa operasyon ng lotto.     Animnapu naman ang nakakuha ng limang numero at nanalo ng tig-P11,080.     Nanalo naman ng tig-P230 ang 2,251 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 26,185 mananaya na nakatatlong numero.     Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending