Airstrike laban sa Maute muling itinuloy | Bandera

Airstrike laban sa Maute muling itinuloy

- June 09, 2017 - 04:38 PM

ITINULOY na ng militar ang airstrike sa mga pinagkukutaan ng mga miyembro ng Maute Group sa Marawi City, kung saan nagbagsak ng mga bomba sa mga lugar ng Lilod, Marinaut at Bangolo.

Sinabi ni Brig. Gen. Rolando Bautista, commander ng Task Force Marawi, na nananatiling hawak ng mga miyembro ng Maute at Abu Sayyaf ang naturang mga barangay matapos namang lusubin ang Marawi City noong Mayo 23.

Nagsimula ang pagpapakawala ng mga bomba kahapon ng umaga kung saan naging maganda ang panahon sa lungsod.

Dalawang OBF Broncho ang nagbabagsak ng mga bomba sa tatlong barangay habang patuloy naman ang pag-abante ng tropa ng gobyerno sa Lilod.

Matatandaang itinigil ang airstrike matapos namang masawi ang 10 sundalo matapos ang “friendly airstrike”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending