MAGANDANG araw po.
Isa po akong teacher dito sa Nueva Ecija. Matagal na po akong nagtuturo at ngayo’y ay abala na rin dahil kabubukas pa lang ng klase. Ang problema ko po ngayon ay ang kapwa ko guro na matagal nang nanliligaw sa akin.
Mabuti siyang tao at sa totoo lang po, isa siya sa pinakamahusay na guro sa Math dito sa aming school.
Pero, nawi-weirduhan po ako sa kanya. Kung anong galing niyang magturo, bagsak siya sa sense of humor. Kulang siya sa EQ (emotional quotient), wala rin siyang pakialam sa iba. May sarili siyang mundo.
Kinukonsidera ko rin naman siya, dahil una ay mabait siya at responsableng tao. Pero, pag naiisip ko na maboboring lang ang buhay ko sa kanya, at mukhang hindi ako magiging masaya, parang gugustuhin ko na lang magsolo sa buong buhay ko.
Ano kaya ang pwede kong gawin?
Confused teacher,
Nueva Ecija
Dear teacher,
Aminin man natin o hindi, madalas ay nawi-weirduhan tayo sa mga Math lovers.
Mahirap sa ating mga hindi magagaling sa Math na maintindihan kung paano tumatakbo ang isip nila.
Pero hindi naman ibig sabihin noon, hindi sila marunong magmahal.
Sabi mo nga, mabuti siyang tao at responsable, bukod sa mahusay na teacher — mga sapat na dahilan para matutunan mong mahalin ang isang tao.
Kung kinokonsidera mo naman sya, i-stretch mo na sa pag appreciate sa iba pa niyang magagandang katangian.
Yung sense of humor, pwedeng matakpan ng fun times ninyo together, hindi ba? Yung sariling mundo – the fact na matagal na siyang nanliligaw sa yo, malamang gusto niyang makasalo ka sa mundong iyon. Gusto mo ba marami kayo sa mundo nya? Hehehe…
Kung sa palagay mo naman eh hindi ka talaga magiging masaya sa kanya, diretsuhin mo na si sir. Sabihin mo na sa kanya na ibaling na lang sa iba ang feelings nya. Habang ikaw naman ay maghahanap ng clown na magpapasaya sa ‘yo.
Okidokie?!
Ateng Beth
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.