Single mom makaka-ahon pa ba sa kahirapan? | Bandera

Single mom makaka-ahon pa ba sa kahirapan?

Joseph Greenfield - June 03, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Clarissa ng Savana, Bucana, Davao City

Dear Sir Greenfield,

Mula ng nilasayan ako ng mister ko may isang taon na ang nakararaan sobrang naghirap talaga ang aking buhay. Mag-isa lang akong bumubuhay sa dalawa naming anak, kaya nagkabaon-baon talaga ako sa utang. Lalo na ngayong magpapasukan lalo akong mababaon sa utang nito. Naisipan ko sa inyong kmunsulta upang itanong kung babalikan pa ba ako ng aking asawa o hindi na? Kung hindi na makapag-aasawa kaya akong muli upang may makatuwang sa aking buhay? Ano po ba ang maganda kong gawin, o mas mainam na mag-abroad ako o kung magnenegosyo naman, wala naman akong puhunan. Kaya sana po ay magabayan nyo ang aking kapalaran alang-alang manlang sa aking mga anak. February 14, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Clarissa Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May napakalinaw na Guhit ng Negosyo (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung magnenegosyo ka tulad ng tindahan lalo na at ito ay sa public market, puwede din ng grocery tiyak ang magaganap mapapalago mo at muling mapauunlad ang inyong kabuhayan.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Jack of Hearts at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaking halos kasing edad mo rin o mas bata sa iyo, matutupad mo ang lahat ng pangarap mo sa buhay, magkakaroon ka ng negosyo sa palengke hanggang sa ito ay unti-unti nyong mapaunlad.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending