MAGPAPADALA ng team ang Overseas Worker and Welfare Administration (OWWA) para matulungan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
Nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan ang Team para malaman kung ilan ang bilang ng OFW na miyembro ng OWWA sa naturang lugar para matulungan sila sa kanilang pangangailangan.
Ito ay dahil sa patuloy na air strike ng militar laban sa Maute group kung saan ang mga residente ng Marawi City ay nilisan ang kanilang bahay at kanilang ikabubuhay handa silang bigyan ng ayudang pinansyal ng OWWA.
Sa Database ng ahensiya may kabuoang 1,418 rehistradong miyembrong OFW na aktibo at hindi na taga Marawi City.
Naglaan ng 2.7 milyong piso sa ilalim ng OWWA’s Welfare Assistance Program (WAP) nito ang ahensya kung saan ang aktibong miyembro ay makakatanggap ng P3,000 bawat isa at ang hindi namang aktibo P1,500.
Sa mga claimant at mag-aavail ng programa mangyaring makipag-ugnayan sa Regional Welfare Office no. 10 para sa kinakailangang dokumento kung saan maaring tumawag sa 88-area coed 8578511 at 0917 548 0033.
Administrator Hans Leo Cacdac
OWWA
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.