Hidilyn naiyak sa kalagayan ni Lariba | Bandera

Hidilyn naiyak sa kalagayan ni Lariba

Angelito Oredo - June 02, 2017 - 12:15 AM

 

HINDI napigilan ni Rio Olympics women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz na maluha at malungkot matapos malaman ang kalagayan ni national table tennis player Ian Lariba na na-diagnose na may Acute Myeloid Leukemia.
Nakasama ni Diaz si Lariba sa Rio Olympics kung saan sila naging malapit na magkaibigan.
“Ang dami na niyang napatunayan. Nalampasan niya lahat ng hamon. Alam ko kaya niya iyan. Naniniwala ako sa kanya at sana makasama ko ulit sa Tokyo 2020 Olympics,” sabi ng emosyonal na si Diaz na maluha-luha at nanginginig ang boses habang siunasagot ang mga tanong ng mga taga-media sa Weightlifting Open Championships kahapon.
Idinagdag pa ni Diaz na agad din siyang makikiusap sa Philippine Olympic Committee (POC) bilang miyembro at opisyales ng Athletes Commission upang makagawa ng paraan ang mga pambansang atletang nais tumulong kay Lariba.
“Being part and an official of the POC Athletes Commission, magpapasa ako ng letter para hilingin na sana lahat ng mga pambansang atleta ay makapag-solicit ng tulong, and also lahat ng national athletes ay makapagtipon din ng tulong dahil malaking bagay na iyon kay Yanyan. Para maipakita din namin ang aming pagkakaisa,” sabi ni Diaz.
Samantala, nangako si Philippine Weightlifting Association (PWA) president Monico Puentebella na magbibigay ito ng kahit kaunting tulong bagaman wala itong malaking pondo para maumpisahan ang nagkakaisang pagtulong sa mga nangangailangang pambansang atleta.
“The PWA Board, even though we are just a small national sports associations, will give her (Lariba) an amount of P20,000 to help her in whatever purpose it could serve,” aniya. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending