Coco nabili na lahat ng pelikula ni FPJ; ’Batang Quiapo’ ang susunod na serye | Bandera

Coco nabili na lahat ng pelikula ni FPJ; ’Batang Quiapo’ ang susunod na serye

Julie Bonifacio - June 02, 2017 - 12:05 AM

COCO MARTIN AT FERNANDO POE, JR.

EXCITED na ibinalita ng aming source na isa uling Fernando Poe, Jr. film ang iri-remake ni Coco Martin pagkatapos nang matagumpay na teleseryeng Ang Probinsyano sa ABS-CBN at ang pagsasapelikula muli ng “Ang Panday” na planong isali sa Metro Manila Film Festival this year.

Ang TV remake ng movie ni FPJ with the Diamond Star Maricel Soriano na “Batang Quiapo” na ipinalabas noong 1986 ang susunod na gagawin ni Coco.

Pero posible rin daw na gawin itong pelikula ni Coco tulad ng “Ang Panday.” Sa kasalukuyan, kinakausap na ang ilan sa makakasama ni Coco para sa Batang Quiapo.

Ayon pa sa aming source, kabilang sa artistang nakausap na para sa show na ito ay ang dating action star na si Raymart Santiago.

Malaki raw ang chance na tanggapin ni Raymart ang remake ng “Batang Quiapo” with Coco.

Incidentally, si Raymart ang bunsong anak ng batikang direktor na si Pablo Santiago na nagdirek ng “Batang Quiapo” nina FPJ at Maricel noong 1986.

Early this year ay natanong na si Coco sa posibilidad na gawin niya ang “Batang Quaipo,” sinabi ng aktor na naririnig daw niya ang tungkol dito pero hindi siya kinakausap ng management about it.

Pero kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, sana raw kahit sa soap opera ay magawa niya. At kung babasbasan siya ng misis ni FPJ na si Susan Roces, sana raw kahit sa pelikula ay magawa niya ang “Batang Quiapo.”

Mukhang true ang balita na nabili na ni Coco at sa tulong marahil ng Dreamscape Entertainment na siyang nagpapalabas ng teleserye ng dating indie actor sa Kapamilya network ang lahat ng mga pelikula ni FPJ.

May balita pa kami na hindi lang rights ng mga pelikula ng Action King ang nabili ni Coco kundi pati diumano ang FPJ Building/compound sa may Del Monte sa Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending