Ginang patay, anak sugatan sa kidlat | Bandera

Ginang patay, anak sugatan sa kidlat

John Roson |May 31,2017
facebook
share this

Ginang patay, anak sugatan sa kidlat

John Roson - May 31, 2017 - 04:22 PM
Nasawi ang isang ginang at nasugatan ang kanyang anak nang tamaan umano ng kidlat sa loob ng kanilang bahay sa Balingoan, Misamis Oriental, Martes ng hapon, ayon sa pulisya. Nasawi si Julieta Amoguis, 53, habang ang 16-anyos niyang anak na si Lino Jr. ay nagpapagaling sa ospital, ayon sa ulat ng Northern Mindanao regional police. Naganap ang insidente sa bahay ng mga Amoguis sa Brgy. Kabangasan dakong alas-4. Sinabi ni Lino Amoguis Sr., mister ni Julieta, sa lokal na pulisya na nasa loob ng bahay ang kanyang mag-ina nang tamaan ng kidlat. Naka-confine ngayon si Lino Jr. sa Misamis Oriental Provincial Hospital ng Talisayan, ayon sa ulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending