Sulat mula kay Ryan ng San Antonio, Lubao, Pampanga
Problema:
1. Noong May 2016 ay kumuha po ako ng CPA board exam. Sa kasawiang-palad ay hindi po ako napabilang sa mga nakapasa. Ngayong taon ay balak ko sanang kumuha uli. Target ko po kasing maging CPA para maibigay na sa akin ang promotion sa office namin na matagal ko nang tinatarget.
2. Itatanong ko lang po sana kung sa take-two na pagkuha ko ng board exam ay makakapasa na ako? At sana mabigyan nyo rin ako ng pampasuwerte para makapasa ako sa nasabing exam upang maging CPA na ako sa susunod na taon. May 14, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Ryan ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Astrology/Mantra:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing kung buwan ng Mayo o kaya ay Oktubre gaganapin ang CPA board exam, tulad ng nasabi na, tiyak na makakapasa ka. Ang mahalaga ay magsuot ka ng damit na may bahagyang kulay na pula sa mismong araw ng exam.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabi namang ang pinakamapalad mong mga petsa sa pagkuha ng CPA board exam ay 5, 14, 23, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, at 24. Kapag natapat sa nasabing mga petsa ang date ng exam ay tiyak ang magaganap—walang duda, makakapasa ka!
Luscher Color Test:
Sa pagkuha ng board exam, muli inireremenda na gumamit ka ng kulay na asul o kaya’y pula, halimbawa sa iyong damit, sa iyong bag at iba pang personal na gamit na iyong dala-dala. Sa nasabing pampasuwerteng kulay ay bubuwenasin ka sa pagkuha ng board exam.
Graphology:
Dapat mo ring lakihan ang pagkakasulat ng iyong lagda. Tandaang ang mga taong sumusulat ng malalaking signature o pirma ang lagi ng sinusuwerte sa pagkuha ng kahit na anong uri ng exam.
Huling payo at paalala:
Ryan, ayon sa iyong kapalaran, nakahanda na ang lahat sa susunod na taon. Kung sakaling lakas-loob ka muling kumuha ng board exam, tulad ng paulit-ulit na nasabi na, maluwalhati kang makapasa upang pagsapit ng nasabing taon at panahon ng iyong buhay, sa edad mong 30, magiging Certified Public Accountant ka na. Pagkatapos niyan ay tuluyan mo na ring masasapol ang matagal mong tinatarget na posisyon sa inyong opisina.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.