Intersection, bukas-sara | Bandera

Intersection, bukas-sara

Leifbilly Begas - May 31, 2017 - 12:10 AM

SA tapat ng talipapa sa Batasan-San Mateo Road sa Brgy. Batasan Hills ay mayroong intersection.

Pero dahil nagdudulot ng trapik ay isinara ito. Nilagyan ng harang na bakal, na hindi permanente.

Dahil may harang na, ang inaasahan ng mga nagdaraang motorista ay wala nang tatawid na sasakyan.

Ang inaasahan, kung may tatawid man ay bisikleta o mga tao na papunta at galing sa talipapa.

Karaniwan na ring maraming nakaparada sa outer lane ng bahaging ito ng Batasan-San Mateo Rd., kaya isang lane lang ang nagagamit pababa.

Hindi lang naman mahihirap ang namamalengke rito, kahit na  ‘yung mga de-kotse namimili rin dito.

At siyempre dagdag na pumaparada ang mga tricycle na naghahatid at naghihintay ng pasahero.

Kaya lang, merong mga tumatawid na motorsiklo at tricycle sa saradong intersection na ito. Ayaw siguro nilang mag-u turn sa ibaba kaya isinisiksik nila ang kanilang mga sasakyan para makapunta sa kabilang linya.

Bukod sa kanila, parang hinahamon ang pamunuan ng barangay dahil mayroong mga trak na lumiliko sa “saradong” intersection na ito.

Bumababa ang pahinante upang alisin o hilain ang nakaharang na bakal para magkasya ang trak.

Nang minsang mayroong sumita sa gagawing pagliko ng kulay puting trak, galit pa ang driver nito. Siya na nga ‘yung mali, siya pa ang galit.

Hindi naman siguro kapani-paniwala na hindi alam ng barangay ang nangyayaring ito. O baka naman….. (mahirap ng magsalita).

Sana lang, kung ang intensyon ay harangan ang intersection, isara ng tuluyan para wala ng makadaang motorista. O kaya ay alisin na nila yung harang na bakal para madaanan ng maayos.

***

Bukas (Mayo 31) ay kokoronahan ang Our Lady of Aranzazu sa San Mateo, Rizal.

Kaya sarado ang bahagi ng Gen. Luna st., para sa aktibidad na ito. Makabubuti na maghanap ng ibang madaraanan at umalis ng maaga para hindi ma-late.

Tatlong daang taon na ang Our Lady of Aranzazu kaya big deal ito sa mga Katoliko sa lugar.

***

May mangyari nga kaya sa panukalang inaprubahan ng Senado at Kamara de Representantes na maging libre ang matrikula sa mga kolehiyo at unibersidad na pinatatakbo ng estado at mga lokal na pamahalaan.

Kung wala na kasing babayaran ang mga estudyante (kanilang mga magulang) nangangahulugan na mas maraming pera ang kailangang ilagay ng gobyerno sa mga eskuwelahan.

Wala na silang koleksyon sa matrikula kaya papasanin na ng gobyerno ang malaking bahagi ng kanilang gastusin.

Paano kaya ito, e kulang nga ‘yung budget ng gobyerno?

Kaya nga nagkabaon-baon sa utang ang gobyerno, kulang ang nakokolektang buwis.

At may panukala sa Kongreso na ireporma ang taxation ng bansa. Noong una, para lang ibaba ang buwis na binabayaran ng mga empleyado.

Pero nang matapos ang deliberasyon, kasama na dito ‘yung mga probisyon para madagdagan ang kita ng gobyerno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi lang para mabawi ng gobyerno ang mawawalang kita sa pagbaba personal income tax kundi para madagdagan o lumaki ang kita nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending